Naguluhan ako kung saan uupo. Ayaw ko sa pamilya ni Leon. “Hija, Leo. Tara na. The program will start,” biglang sabi ng mama ni Leon. Hindi ko namalayan ang paglapit niya sa amin. I hesitated again. I bit my lower lip. “Francesca,” tawag niya ulit. “She's not comfortable in that table, Mama! Aalis na kami,” malamig na sabi ni Leon. Napasinghap ako. Nanlaki ang mata ng mama ni Leon. “Hinihintay ka na ng papa mo. You can't just leave. This is a family party, Leon,” mariin na sabi ng mama niya sa maliit na boses. Nag-iingat siya na baka may makarinig sa pagtatalo nila. “If Francesca doesn't want to stay here, I don't care if it's a family party. We will go,” mariin ding sabi ni Leon. Bumaling sa akin ang mama niya. She forced a smile at me. “Are you uncomfortable, hija? Do you prefer another table? Hanapan kita ng table. May bakante pa siguro sa table nina Carmela.” “Tsk. Mama, I'm sitting where she will sit. Hanapan mo din ako,” iritadong sabi ni Leon. Bahagyang tumawa ang mam
Last Updated : 2025-12-03 Read more