MaeganHindi ako mapakali habang nasa labas ako ng kwarto sa penthouse ng Grand Hotel. Kanina, nasa condo na ako para magpahinga dahil galing ako sa isang shoot pero nagmadali akong magpunta dito nung makatanggap ako ng isang tawag.Malakas ang tibok ng puso ko at kahit kailan, hindi na yata ako masasanay sa ganitong eksena kahit pa ilang beses ko na itong nasasaksihan. APat na buwan na din buhat nung umalis ako sa mansion ng mga Vegafracia at kahit na masakit, tinanggap ko ito dahil kailangan! Nung bumukas ang pinto ay lumabas mula doon si Mason, ang kapatid ko na doktor.“Mason, how is he?” tanong ko at umiling siya sa akin“Ate, hindi na maganda ang kundisyon niya! I guess, unti-unti na siyang iginugupo ng sakit niya!” sagot sa akin ng aking kapatid“Ano bang pwede nating gawin, MAson?” naiiyak na tanong ko dahil naaawa na ako sa kalagayan niya“Ate, gaya ng lumabas sa PEP screening ng pasyente, kalat na kalat na ang cancer cells sa katawan niya at wala na ring maitutulong ang ch
Terakhir Diperbarui : 2025-08-28 Baca selengkapnya