“Tumayo ka!”Pilit na itinulak ni Clarissa si Luis, pero masyadong malaki ang lamang ng lakas ng lalaki. Kahit anong pwersa ng babae, hindi gumalaw si Luis, parang nakabaon ang bigat niya sa ibabaw.“Luis! Ano ba ’yan? Pakawalan mo ’ko!” sigaw ni Clarissa, halos nanginginig sa galit at takot.Pinilit pa rin niya, nagpumiglas, kumawala, pero habang tumatagal ay nanghihina siya. Humina ang galaw niya, kumitid ang espasyo para lumaban. Doon sinamantala ni Luis ang pagkakataon—hinawakan niya ang dalawang kamay ng babae, pinagdikit, at itinulak pataas hanggang sa lumapat sa headboard.“Clarissa… calm down, please. Calm down muna,” mahinang sabi ni Luis, parang may pag-aalangan.Nanlaki ang mga mata ni Clarissa, namutla ang labi. “Ano bang balak mo? Pakawalan mo ’ko, please!”Lumapit ang mukha ng lalaki, halos dumikit sa tenga niya. Mababa, halos pabulong ang boses nito:“Clarissa… anong dapat kong gawin? Ikaw at ako… kasal tayo—legal, alam mo ’yon, no?”Umiling si Clarissa, desperado
Read more