LOGINSa loob ng tatlong taon, namuhay si Clarissa Montefalco sa ilalim ng anino ng kasinungalingan—isang simpleng babae sa paningin ng lahat, ngunit sa likod ng tahimik na anyo ay ang tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking business empires sa bansa. Minahal niya si Joaquin nang totoo, kahit pa hindi nito alam ang kanyang tunay na pagkatao. Ngunit sa pagbabalik ng babaeng mahal ni Joaquin, iniwan siya nito nang walang pasabi—pinahiya, sinaktan, at sinabihang siya pa ang pilit na humahabol. Hindi alam ni Joaquin na ang babaeng tinapakan niya ay may kapangyarihang baguhin ang buhay ng kahit sinong lalaki… kabilang na siya. Sa muling pag-uwi ni Clarissa sa Maynila upang pamunuan ang kompanyang iiwan ng kanyang ina, hindi niya inaasahang makikilala niya si Luis Antonio Dela Cruz—ang pinsan ng kanyang matalik na kaibigan, at isang lalaking may sarili ring itinatagong yaman at lihim. Sa gitna ng sakit, isang gabing puno ng alak ang nagtulak kay Clarissa sa piling ni Luis. At sa isang hindi inaasahang kasunduan upang makaiwas sa mga piling asawa ng kanilang mga magulang, lihim silang nagpakasal. Ngayon, si Clarissa Montefalco ay hindi lamang isang tagapagmanang hindi kinikilala—isa na rin siyang asawa ng isang secret billionaire. At si Luis? Isang lalaking dumarating sa mga panahong hindi niya inaasahan, dala ang pag-ibig na kailanman ay hindi naibigay ni Joaquin. Ngunit handa ba si Clarissa na magmahal muli, o mananatili siyang bihag ng sakit ng nakaraan?
View MorePero malinaw na malinaw, planaso ang pag-ataki sa Montefalco Group. Hindi aksidente. Paano kaya tatanggapin ni Isadora ang lahat ng ito?Pagdating ni Clarissa sa Chairwoman’s office, agad niyang nakita ang eksenang parang sinadya para saktan siya.Si Isadora, nakaupo, hawak ang noo, halatang pagod at frustrated habang nakatingin sa mga papel sa mesa. Sa tabi niya naman, nakatayo si Tricia—gentle, soft-spoken, at todo-todo ang pagiging considerate daughter. Minamasahe pa ang balikat ni Isadora.Napahigpit ang kamao ni Clarissa. Pilit siyang ngumiti, pero mapait. What a perfect picture. A loving mother with her filial daughter. Kung ganito lang pala ang ipapakita, sana hindi na ako tinawag dito. Gets ko na agad kung sino ang bida at sino ang kontrabida sa mata ni Mommy.Huminga si Clarissa nang malalim, lumingon muna sa bintana para ayusin ang sarili, bago kumatok sa pinto.“Come in,” malamig na boses mula sa loob.Napalunok si Clarissa bago pumasok.“Chairwoman.” Mahina at maba
Nagulat ang batang assistant nang makita kung gaano kabilis nakapag-isip ng solusyon si Clarissa. Bago lang siya sa kumpanya, at to be honest, hindi pa niya masyadong kilala ang bagong General Manager.Kanina lang, nang lumabas ang balita online, pakiramdam niya gumuho ang langit. Akala niya katapusan na ng Montefalco Group. Pero ngayon, nang makita niya kung gaano kalinaw mag-isip at kumilos si Clarissa, unti-unti siyang nakahinga ng maluwag.Pero bago pa sila makapagpahinga kahit sandali, biglang sumabog na naman ang panibagong problema.Pagkaraan ng ilang minuto, halos hindi na makontrol ng assistant ang sitwasyon. Wala na siyang nagawa kundi muling tumakbo papunta sa opisina ni Clarissa.“General Manager!” hingal niyang sigaw, halos nagpa-panic na.“Hindi lang po ’yung supplier na pinakita ko kanina ang nag-back out. Pati ibang manufacturers, sunod-sunod nang nagka-cancel ng supply contracts. Kung magtutuloy-tuloy ’to, we’ll be forced to halt lahat ng projects na hawak natin.”
Naalala ni Hanna ang salitang “flash marriage” na narinig niya kahapon, at para bang kinayod ng libo-libong langgam ang puso niya. Hindi siya mapalagay. Isa lang ang laman ng isip niya ngayon—dapat maghiwalay agad sina Clarissa at Luis.Kung mangyayari ’yon, mas madali na niyang makukumbinsi ang kuya niya, pati si Luis, na manatili sa Manila.“Don’t worry about it,” malamig niyang sabi, pinipigilan ang bugso ng damdamin. “I just want to deal with our common enemy.”Napabuntong-hininga si Joaquin at tumango. Wala na siyang nagawa kundi isuko ang argumento. Alam niya ngayon na ang partner niya—si Hanna—gusto ring pabagsakin si Clarissa sa lalong madaling panahon.“Okay, gets ko na.” Kinuha niya ang sigarilyo, sinindihan, at naglabas ng mala-artistikong smoke ring, parang nanunukso pa kay Hanna. “Mamaya, you just need to reach out sa ilang media outlets. Once lumabas ’to, magiging realidad na.”Napakunot ang noo ni Hanna, pinagmamasdan ang usok na lumalabas sa bibig ng lalaki. “Can y
“Are you okay?”Mahinahon pero puno ng concern ang boses ng lalaki.Napakamot sa sentido si Clarissa at tumingin pataas. Nandoon si Luis, nakatitig sa kanya—expressionless, pero may bahid ng pag-aalala sa mga mata.“Yeah, I’m fine.” Mahina lang ang sagot niya, sabay iwas ng tingin. Pagkakita niya sa mukha ni Luis, hindi na siya nakadagdag pa ng kahit anong salita. Tumagilid siya at naglakad paakyat, parang gustong umiwas.Pero bago pa siya makalayo, hinawakan ni Luis ang kanyang pulso. Sandaling kumislot ang mga mata nito, may bakas ng sakit at pagtitiis. “Clarissa… can we talk?”Nagtagal silang dalawa sa gano’ng posisyon—nakatingin lang sa isa’t isa, walang kumikibo. Parang may manipis na lubid sa pagitan nila, naghihintay kung sino ang unang puputol.Alam ni Clarissa, tapos na. Hindi na sila gaya ng dati. Simula nang pumasok si Hanna sa eksena, hindi na sila pwedeng bumalik sa dati.“Luis…” Pinilit niyang ngumiti, pero halatang pilit. “This is my problem. Wala kang dapat alala
Nag-abot ng kamay si Joaquin. Walang pag-aalinlangan, inabot naman ito ni Hanna. Magaan pero matibay ang paghawak nila—isang handshake na nagmarka ng kanilang bagong “partnership.”At kung bakit, hindi niya rin alam, pero ’yung kaba na kanina’y kumakain sa dibdib ni Hanna biglang nawala. Parang sa simpleng hawakan na ’yon, nagkaroon siya ng kakaibang sense of control.“Don’t worry, Miss Hanna,” malumanay pero matalim ang tono ni Joaquin. “Hindi kita bibiguin. After all, we share the same enemy.”Bahagya siyang ngumiti, pero polite lang—may distansya. Hinugot niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak at malamig na sabi, “If that’s the case, then prove your sincerity. Ano ba talaga plano mo?”Pinanood lang siya ni Joaquin habang binabawi niya ang kamay. Hindi nabawasan ang ngiti niya kahit kaunti. Para bang sanay na siya sa mga taong naglalagay ng pader sa pagitan nila.“Simple lang naman,” aniya, tumingin ng diretso sa mata ni Joaquin, “Competitor ng Montefalco Group ang kompanya mo
Humugot ng malalim na hininga si Clarissa. Hindi na pwede ’to… sobra na ang epekto ni Joaquin sa trabaho ko. This can’t go on.Kumuyom ang kamao niya.Siguro kulang pa ’yung lesson na nakuha niya nung nakulong siya dati. This man never learns. Next time, I’ll make sure he won’t have the chance to stand up again.Bahagya niyang pinisil ang bracelet na nasa pulso niya, parang reminder na kailangan niyang maging matatag. Pumikit siya, nag-isip nang malalim kung anong susunod na hakbang ang gagawin.Samantala, sa kabilang banda.“Joaquin?” Halatang nagulat si Hanna nang marinig ang pangalan. Sandali pa bago siya naka-react, parang wala siyang maalala tungkol sa taong ’yon.“Yes,” sagot ng assistant niya. “Siya ’yung prince ng Mendoza Group.”Nag-angat ng kilay si Hanna. “So?”“He came personally and insisted na makausap ka raw niya. Sabi niya, may hawak daw siyang bagay na siguradong interesting para sa ’yo.”Napakunot ang noo ni Hanna, pero may kislap ng curiosity sa mga mata niy












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments