Hindi naman mapakali si Pammy ng nalaman ang tungkol kay Maximo. Tila nawalan siya ng gana at agad nagbihis. Hinalikan lang niya si Greg. "Sorry, I have to go. May aasikasuhin lang ako." wika niya. Wala naman nagawa si Greg. Kundi mag bihis na lang rin. Hindi man lang nito sinabi kung sino ang kausap niya. Posible naman kung si Maximo iyon e, hawak niya ang lalaking kinahuhumalingan ng kanyang minamahal. Pagka alis ni Pammy sa condo dumiretso siya sa Mansyon nila Anastacia kung saan naroon ito at hinihintay na siya. Pagkakita sa kanya nito agad siya nitong niyakap. "Inaanak, anong nangyari?" tanong ni Pammy. Agad tumayo si Anastacia sabay alo sa inaanak niya. "Sssh! Hwag na magpaka isip masama yan sayo kakapanganak mo pa lang. Ang mabuti magpunta na tayo sa himpilan ng pulisya." ani nito. "Ayoko na Ninang nang galing na ho ako doon. Pinagtawanan lang nila ako." sagot nito. "Ano? Bakit daw? Anong nakakatawa sa missing person. Nababaliw ba sila? Halika at pupunta tayo
Terakhir Diperbarui : 2025-08-16 Baca selengkapnya