Sa kabila ng pagsubok na naranasan ng pamilya namin, napalitan iyon ng kagalakan sa mga puso namin matapos ang dalawang araw.Sa wakas, tuloy na tuloy na ang kasal namin ni Draken.Suot ang aking wedding gown, ngayon ay nasa tapat na ako ng pintuan ng simbahan. Naluluha ako. Nasa tabi ko si Mama na siyang maghahatid sa akin papunta sa altar."Anak, ito na," sambit ni Mama.Ilang sandali pa nang magbukas ang pinto ng simbahan, tumambad sa 'kin ang mga imbitado. Mula sa pamilya, kamag-anak, kaibigan, katrabaho at mga malalapit sa buhay namin ay nandito upang saksihan ang espesyal na araw na ito.Nang tignan ko si Draken, nagsalubong ang tingin namin sa isa't isa. Simple ang ayos niya pero napakagwapo. Hawak niya ang panyo habang nakatingin sa direksyon ko, pinupunasan niya ang luhang namumuo sa mga mata niya.Sa paglalakad namin nang dahan-dahan ni Mama patungo kay Draken, naluluha na rin ako. Pinipigilan ko pero kusa itong tumutulo. Natutuwa ang puso ko."Ikaw na ang bahala sa anak ko,
Terakhir Diperbarui : 2025-09-27 Baca selengkapnya