"R-Richard. H-Hindi ako... hindi ako 'yan. Sinisira lang tayo ng babaeng 'yan d-dahil gusto ka niya," pagtanggi pa ni Sydney kahit na halata ang pagsisinungaling niya."H'wag na po kayong mag-deny. Kasama po ako no'ng time na 'yan. Nakita po namin si ma'am Sydney sa club kaya kinuhanan na po namin ng picture. Sir, manloloko po 'yan," sabi naman ni Janice.Napansin ko na hindi alam ni Richard kung ano ang magiging reaction niya. Halatang naghahalo ang inis, galit, pagtataka, at lungkot sa mukha niya."Y-You even kissed a guy, Sydney. W-What the hell is this? Ikaw 'to, 'di ba? Ikaw 'to?" tanong pa ni Richard. Halos tumaas pa ang boses niya dahil sa nararamdaman."R-Richard, m-mas naniniwala ka pa sa kanila kaysa s-sa 'kin?" tanong pa ni Sydney."Ang tanong ko ang sagutin mo, ikaw 'to, 'di ba?!" tanong muli ni Richard. May mga gustong umawat na guard dahil sa eskandalo pero hindi nagpapapigil si Richard.Hindi makasagot si Sydney. Masaya ako dahil ngayon ay nakikita ko ang reaction ng ex
Terakhir Diperbarui : 2025-11-28 Baca selengkapnya