Natigil sa pagkain si Zach at nag-angat ng tingin. She's expecting him to panic but she saw a calm expression in his eyes. Tipid itong ngumiti bago hinawakan ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng mesa."Naalala mo ba ang pinag-usapan natin noong nasa ospital tayo?"Marahan naman siyang umiling. Sa dami ng pinag-usapan nila, hindi niya matumbok kung alin sa mga iyon ang tinutukoy nito. "Alin ba doon?" "Yung tungkol kay Zendaya," anito at napasulyap pa sa anak nito.Mataman namang nakamasid si Zendaya sa sarili nitong ama habang hininintay ang susunod nitong sasabihin."Matapos ng naging pag-uusap natin, napagtanto kong kailangan ko palang bumawi sayo. I made a grave mistake at dahil hindi ko naaalala ang ibang kaganapan sa buhay natin, naisipan kong bumawi sayo sa paraan na alam ko at kaya ko sa ngayon," seryoso nitong saad.Sa sinabi ni Zach ay napatango-tango si Zendaya bit she is still not convinced with his answer. Pero sa kabila ng mga naiisip niya, pinili niyang itago ang tunay ni
Terakhir Diperbarui : 2025-10-07 Baca selengkapnya