Kunot noo niyang pinulot ang USB at mataman na tinitigan. Maging si Zach ay doon narin napako ang atensyon. Ilang sandali pa'y napatingin siya sa asawa niya bago nagsalita."Did you bring a laptop with you?" "Yeah. It's in the room," agad na sagot ng lalaki."Pwede ko bang hiramin? Let's see what's inside the USB," malambing niyang sambit."Wait here. Aakyat lang ako sandali," anito at agad na nagtungo sa silid na ginagamit nila. Habang nasa itaas si Zach, muli niyang tiningnan ang mga files nina Chloe at Yohan. Hindi niya lubos akalain na dito din pala nagpagamot si Yohan sa kanyang sakit gayong mas advance naman ang technology sa New York.Pero sa kabilang banda, Laureen recommended Dr.Jansen to her bestfriend which was none other than her sister kaya siguro ang babae din ang nagsuhestyon na doon magpagamot si Yohan."Ano? May nakita ba kayong kakaiba?" Tanong ng kanyang ama na kararating lang ng salas mula sa kusina.Marahan naman siyang umiling. "As of now, wala pa naman Pa. Pur
Last Updated : 2025-12-15 Read more