Isabella’s POV Tama na. Ayoko na. Pawis na pawis na ako, nangangati na ‘yung batok ko sa alikabok, at para na akong matutumba sa gutom. Tanghaling-tapat na, pero hindi pa rin ako nakakakain. ‘Di ko alam kung sadya ‘to o part lang talaga ng “Hostage Program” nila. Pero isa lang ang sigurado ko: hindi ako robot. Inilapag ko ang basang basahan sa mesa. Diretso akong lumapit kay Ate Ice Queen—si Lina, apparently—na nakatayo sa gilid ng sala, parang mannequin na may clipboard. “Lina,” sabi ko, halos pabulong pero may pwersa, “pwede ba akong kumausap kay… kay Lance?” Napatingin siya sa akin, gaya ng dati—walang reaction. Pero may bahagyang pagtaas ng kilay. “Bakit?” “Bakit daw?” Umiling ako. “Kasi hindi pa ako kumakain, amoy araw na ako, wala akong pamalit, at pakiramdam ko mababaliw na ko kung isa pa’ng vase ang lalagyan ko ng pledge.” Tahimik si Lina. Hindi ko alam kung naaawa siya o gusto lang akong tapalan ng tape sa bibig. “Saglit,” sabi niya, tapos tumalikod. Okay. So may
Terakhir Diperbarui : 2025-06-28 Baca selengkapnya