“Bitawan mo’ko! Ano ba, Andrew, nasasaktan na ako!” Sigaw ni Lovi at inis na binitawan ni Andrew ang kanyang kamay.Nakaramdam na ng kaba si Lovi dahil baka kung ano na ang gawin ngayon sa kanya ni Andrew, kaya naman agad niyang inilabas ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang hawak na pitaka kung saan kasya ang kanyang cellphone sa loob, at dali-dali niyang tinawagan si Easton.Nang sinagot na ni Easton ang kanyang tawag, agad naman na hinablot ni Andrew ang kanyang cellphone at dali-dali nitong pinatay ang tawag pati na rin ang kanyang cellphone.“Andrew, akin na ‘yan! Wala kang karapatan na kunin ang cellphone ko!” saad ni Lovi at sinubukan niyang kunin ang kanyang cellphone mula kay Andrew, ngunit tinulak siya nito palayo.Hindi natumba si Lovi dahil naibalanse niya ang kanyang katawan.“Tinawagan mo siya, para ano? Para makapagsumbong ka? Lovi, gusto lang kitang kausapin nang maayos, pero pinipilit mo akong saktan ka. Ibabalik ko itong cellphone mo ‘pag kinausap mo na ako ng maa
Última actualización : 2025-09-11 Leer más