Kahit buo na ang desisyon ni Lovi na makipag-divorce kay Easton, nagpresenta pa rin ito na ihatid siya papuntang France. Ngunit, hindi natuloy ang pag-book ni Lovi ng ticket nila dahil nasa pinas na pala ang kanyang ina, saka niya lang nalaman nang tumawag sa kanya si Lisa.“Give me your luggage. I’ll handle everything here. Pumasok ka na sa loob ng sasakyan—mainit dito sa labas, baka mapano kayo ni baby,” saad ni Easton.Sinunod kaagad ni Lovi ang kanyang asawa.Pagkarating nila sa apartment ni Lisa, sinalubong kaagad sila ng yakap ng ina ni Lovi. Si Easton ang huling niyakap nito.“Welcome back, mama.” Nakangiting bati ni Easton kay Lorna.“Maraming salamat, anak. ‘Buti at sumama ka sa kanya. Akala ko si Lovi lang ang bibisita sa akin dito,” sabi nito kay Easton.“Ma, hindi kita binibisita,” biglang sabi ni Lovi kaya napatingin sa kanya ang kanyang ina at si Lisa.“Lovi.” Kumunot ang noo ni Lisa.“Hindi mo ako binibisita? Eh, bakit narito ka ngayon? Bakit pumunta ka agad nang malama
Last Updated : 2026-01-27 Read more