Umuulan pa rin sa labas. Malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa bahagyang bukas na bintana ng villa, pero sa loob ng silid, tila may sariling init ang paligid.Lumabas si Ari mula sa banyo, nakatapis ng puting tuwalya, ang ilang patak ng tubig ay dahan-dahang bumababa mula sa kanyang leeg pababa sa dibdib. Basa pa ang kanyang buhok, nakalugay at dumidikit sa balat niyang kumikinang sa pagkakabasa. Ang bawat hakbang niya ay mabigat—bitbit ang bigat ng pasya niyang isinusulat sa cellphone na hawak niya ngayon.Naglakad siya papunta sa kama at umupo, kinuha ang phone, saka binuksan ang draft ng resignation letter.“To Dr. Elena Ramirez…”Pero hindi niya natapos basahin. May boses na pabulong sa likuran.“Alam mo ba, mas lalo kang gumaganda kapag basa ang buhok mo.”Napalingon siya. Nakatayo si Rainne sa may bukas na pintuan, naka-sando at boxer shorts lang, hawak ang isang basong tubig pero nakatitig lang sa kanya—parang hindi nauuhaw sa tubig, kundi sa kanya.Hindi agad kumibo si A
Last Updated : 2025-07-21 Read more