“Are you ready?”Tanong iyon ni Levi habang binubuksan niya ang passenger door ng sasakyan para kay Selene. Naka-simple lamang siya na puting blouse at loose pants habang hawak niya ang kanyang bag nang mahigpit.“Mm-hmm…” mahina niyang sagot, tumango-tango habang lumalabas ng kotse. Ramdam niya ang kaba sa dibdib. Hindi siya sigurado kung kaba ba ito dahil baka buntis siya o dahil baka hindi.Sinamahan siya ni Levi papuntang clinic ni Doc Lagdameo, ang OB-Gyne ng nanay ni Levi. Medyo awkward, to be honest. Pero wala nang ibang pinagkakatiwalaan si Levi. Sa totoo lang, mas gumagaan ang loob niya tuwing kasama si Levi.“Selene,” basag ni Levi sa katahimikan. “Okay ka lang ba talaga?”“Yeah… medyo kinakabahan lang,” sagot niya. “Ikaw? Kinakabahan ka?”“Hm. Oo, pero hindi yung sobrang negative na kaba. More like… hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.”“Same,” mahinang sagot ni Selene sabay ngiti.Pagdating sa clinic, inayos agad ni Levi ang appointment habang si Selene ay naupo s
Huling Na-update : 2025-08-06 Magbasa pa