Pagkauwi ni Selene mula sa mall kasama ng kaniyang Mama Cynthia ay hindi mawala sa isip niya ang huling tagpo sa comfort room. Ang ngisi ni Ava, ang tono ng boses nito at higit sa lahat ang paghaplos nito sa sariling tiyan.Buntis si Ava.Kung sa pangkaraniwang araw ay magiging masaya siya para sa kapatid, pero hindi ngayon dahil alam niyang may ginawa ito na may kaugnayan sa kaniya. Dahil pwedeng si Seth ang ama nito lalo na’t may nangyari sa kanila.Posible kayang nagbunga ang pagtataksil nila sa kaniya?Iyon lamang ang katanungan ni Selene habang nakstanaw sa labas ng bintana ng gunagalaw na kotse. Kahit pilit niyang inaalis sa isip at bumabalik-balik pa rin ang mga salita ni Ava na “Selene, you’ll be a Tita na.” Parang echo na paulit-ulit na tumatama sa kanyang pandinig.Hindi niya na nga namalayang nasa tapat na pala sila ng bahay.“Hija, salamat sa pag-sama ha. Ang saya ko ngayon.” Ngumiti si Cynthia habang nakahawak sa braso ni Selene.“Wala po ‘yon, Ma. Ako po ang dapat magpa
Last Updated : 2025-08-28 Read more