“Ano, Selene, pinapahiya mo ang kapatid mo?!”Napapitlag si Selene nang marinig ang boses ng ama niya sa kabilang linya. Tumigil siya sa paglalakad at bahagyang lumayo kay Levi, na ngayon ay nakatingin sa kanya na may halong pag-aalala.“A-Ano pong ibig n’yong sabihin, Papa?” tanong niya habang pilit pinapakalma ang sarili.“Anong ibig kong sabihin? Selene, nagsumbong sa amin si Ava. Sabi niya, pinagtatabuyan mo raw siya sa mismong bahay ng asawa mo! Anong klaseng ugali ’yan?!”Napakagat-labi si Selene. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari kahapon nang biglang sumugod si Ava sa Thompson mansion. Hindi siya makapaniwalang nauna pang umabot sa pamilya niya ang balitang iyon.“Papa, hindi ko po siya pinagtatabuyan—”“Bakit, hindi ba totoo? Ang sabi niya, sinigawan mo raw siya! Binastos mo raw siya sa harap ng mga magulang ni Levi! Anak, paano mo nagawang ipahiya ang kapatid mo?”“H-hindi po siya ang biktima rito…” mahinang sagot ni Selene, nanginginig na ang tinig. “Sila
Last Updated : 2025-08-05 Read more