Sakit ng katawan.Iyon ang unang dumapo kay Selene pagkagising niya. Para bang bawat himaymay ng kalamnan niya ay binugbog ng paulit-ulit. Mabigat ang mga talukap ng mata, tuyo ang lalamunan, at ang pakiramdam niya’y parang may dumadagundong na makina sa paligid. Kasabay noon, sumalubong ang matapang na amoy ng alcohol at gamot. Pinilit niyang dumilat. Unti-unti, lumitaw ang puting kisame na may ilaw na nakakasilaw. Sinubukan niyang igalaw ang kamay pero tila ba may mabigat na nakadikit dito. Pagtingin niya, halos mapalundag ang puso niya nang makita ang mga tubo at dextrose na nakakabit sa kanya.Bago pa man siya tuluyang lamunin ng kaba ay bumukas ang pinto ng silid. Pumasok ang isang lalaki. Moreno, matangkad, at maganda ang pangangatawan. Malapad ang balikat, matikas ang tindig, at animo’y mga ukit sa bato ang kanyang braso. Ang buhok nito’y bahagyang kulot, maayos ang gupit na bumagay sa matikas na panga. At ang mga mata… ay parang nangungusap ng magtama ang paningin nila.“You
Last Updated : 2025-08-31 Read more