"Sure ka bang kaya mo nang mag-isa rito, Celeste?" Nag-aalalang pagtatanong ni Naiah. "Why don't you stay at my place, Celeste? P'wede ka do'n. Hindi ako makakampante hangga't wala kang kasama rito." Sambit ni Hailey. They have been carrying their bags since this morning, but they couldn't bring themselves to the doorstep. Kanina pa nilang plano umalis, pero nagdadalawang-isip silang tumuloy. Simula no'ng nalaman namin ang pagdadalang-tao ko ay hindi na ako iniwanan ng mga ito. They stayed with me for a week. Tuwing umaga ay inihahatid ako ng mga ito sa coffee shop, sa gabi naman ay dinadaanan nila ako para sabay-sabay kaming umuwi dito sa unit. It has been a week since I found out about the child I'm carrying. It wasn't easy for me. Araw-araw ay nararamdaman ko pa rin ang sakit, pero ngayon ay kinakaya ko na ito. It took me a long time to finally understand the reality, but I'm now capable of accepting it. Mayroon talaga akong dinadalang bata. It wasn't a dream. It's my reality.
Last Updated : 2025-09-24 Read more