Amoy pancake syrup at butter ang buong dining area. Umaga pa lang pero parang ang gaan na ng pakiramdam ko, kahit may halong kaba sa dibdib. Ang sikat ng araw, malambot at mainit, tumatama sa mga puting kurtina at sa maayos na lamesa sa harap namin.Isang linggo na ang lumipas simula noong gabing ‘yon. Gabi na inamin ko ang lahat, noong nalaman ni Zeidan ang totoo tungkol kay Amaris. At simula noon, hindi na nawala si Zeidan sa paligid namin.Araw-araw siyang dumadaan. Minsan, may dalang grocery, minsan laruan, minsan pagkain. Pero laging pareho ‘yung dala niya para sa’kin, isang baso ng strawberry milk.“Good morning, baby,” he greeted as he entered the kitchen, suot pa rin ‘yung gray joggers na madalas niya nang suotin at simpleng white shirt. Medyo gulo pa buhok niya, halatang kararating lang mula sa duty. “You haven’t had breakfast yet, right? I made pancakes.”Napatingin ako sa kanya habang abala siya sa lamesa, nag-aayos ng plato at hinahain ang niluto. I tried to fight the smal
Last Updated : 2025-10-31 Read more