"David," muli ay tawag ni Yana sa binata."I'm sorry, may iniisip lang ako," sagot ni David sa dalaga ng ma-realize na hindi pa naman confirm ang ilang naglalaro sa kanyang isipan. Muli, palihim na inilibot ni David ang kanyang paningin sa kabuuan ng palasyo, hanggang sa huminto ang kanyang paningin sa ilang mga larawan na mga ninuno ng reyna. Naikuyom niya ang kanyang kamao ng makita ang isa sa larawan na nahagip ng kanyang tingin."Who is she?" biglang tanong ni David, napasulyap sa kanya ang mahal na reyna. Medyo napayuko ito at pagdaka'y ngumiti. "Siya ang aking ina, ako ang pumalit sa kanya bilang reyna ng England. Namatay siya dahil sa katandaan na rin," sagot agad ng reyna."Ikinalulungkot kong marinig ang bagay na 'yan, mahal na reyna," may paggalang na sagot ni David sa mahal na reyna. Ngunit, hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa naturang larawan. "Kamukha niya po yata ang asawa ni sir, Mike Montenegro!" bulalas ni Renelyn. Siya rin ay hindi niya napigilan ang sarili na
Last Updated : 2025-09-25 Read more