"Huwag ka kasing praning, alam mo magtiwala ka sa asawa mo. Sa tingin ko naman hindi gano'n si sir, David," palatak ni Shirley. "How did you know, aber?!" mataray na tanong ni Yana. "Ako na ngayon ang new secretary ni sir, siyempre alam ko. Ako ang kasama n'ya, aaminin kong may ilang kliyenteng babae na nanunukso sa kanya. Kung alam mo lang kung paano n'ya pinamukha sa babae ang kahalagahan ng dignidad nito. Ewan ko na lang, I'm sure na mas mamahalin mo pa si sir, David. Pati nga balahibo ko sa batok at braso tumayo nang marinig iyon. Boom! Na realized agad ng babae ang kahalagahan n'ya bilang babae," palatak ni Shirley. Natahimik si Yana. Araw ng Sabado at walang trabaho. Nasa bahay lang s'ya at eksakto namang sinaglit s'ya ni Shirley para makipag-kwentuhan sa kanya. Busy s'ya sa kusina. Balak n'ya kasing magluto ng ulam for lunch. Si David ay nasa playroom nilalaro ang kambal. 'Pag weekend, sila ang nagbabantay sa dalawa nilang bubwit. "At alam mo, huwag mo nang pagdudahan ang a
Last Updated : 2025-10-10 Read more