“Tatahimik ka o bubusalan ko ‘yang bibig mo?”Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at sinamaan siya ng tingin. Ang harsh naman niya sa’kin. Parang nagtatanong lang eh. Ba’t siya nagagalit? Eh ‘di totoo nga. Dini-deny pa niya sa’kin.“Alam mo Alexus, bakit hindi mo puntahan si Sofia at itanong kung sino ang nag-hire sa kaniya,” suhestiyon ko na lang dahil mukhang hindi niya naman aaminin ang binibintang ko sa kaniya. “Kung hindi nga ikaw ang nag-hire sa kaniya at ang nag-demote sa’kin.”Nagsalubong ang mga kilay niya na muntik ko nang ikinatawa. Hindi ko masabi kung galit ba siya o hindi maintindihan ang mga sinabi ko. Pero natuwa talaga ako nang makita na nag-iba saglit ang reaksyon ng mukha niya. Lately, napapansin ko rin iyon. Hindi na siya ang dating Alexus na malamig pa sa nyebe ang pakikitungo.“Pinagdududahan mo ba ako, Aelice?” tanong niya na halata sa tono ang pambabanta. Pero sanay na ako sa paganyan niya.“Hmm, hindi ko alam,” painosente kong sagot pagkatapos ay nagkibit-balik
Last Updated : 2025-10-08 Read more