Mag-log inAkala ni Elize ay wala nang mas malala pa pagkatapos siyang mawalan ng trabaho at pagtaksilan ng kaniyang nobyo. Pero ang magulo niyang buhay ay lalong nagulo nang pagkamalan siyang ibang tao. Lumayo siya, umiwas, at nagtago. Pero hindi niya inaasahan na ang magiging boss niya ay ang taong baliw na baliw sa isang babae na halos kamukha niya. Ang pinakamalala pa roon ay inalok siya nito na magpanggap bilang si Aelice, ang babaeng puno't dulo ng sitwasyon niya ngayon. Sa pagpanggap niya bilang si Aelice, makakaya kaya niyang pigilan ang damdamin at huwag mahulog sa lalaking iba ang gusto? Pero paano niya lalabanan ang bugso ng damdamin kung sa bawat sulok ng silid ay naroon ang tukso?
view more“So it’s a date then?”Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pati yata butas ng ilong ko lumaki rin. Paano ba naman nakakagulat ang sinabi niya. Wala naman akong sinabing magde-date talaga kami. Sinabi ko lang iyon para hindi sila matuloy ni Sofia. Kasi naman iba ang pakiramdam ko sa babaeng ‘yon. Feeling ko may gagawin siyang hindi magugustuhan ni Aelice. At bilang clone ni Aelice dapat ko iyong pigilan dahil hindi ko alam kung anong gagawin ng totoong Aelice. Ang creepy pa naman niya sa footage na napanood ko. Hindi siya ‘yong tipo na mahinhin.“Date ka mag-isa? Oo,” sagot ko at ngumiti sa kaniya nang matamis.Anong akala niya sa’kin trial card? Kung gusto niya makipag-date, palabasin na niya si Aelice nang may kasama siya.“Then, I’ll ask Sofia—”“Oo na. Oo na. Pumapayag na ako.”Anak ng pating naman ‘tong lalaki ‘to. Kaya ko nga itinaboy si Sofia ng indirect kasi ayokong magkasama sila tapos aayain niya naman lumabas. Ayos din siya ah. Alam niya kung paano painitin ang ulo ko.
“Tatahimik ka o bubusalan ko ‘yang bibig mo?”Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at sinamaan siya ng tingin. Ang harsh naman niya sa’kin. Parang nagtatanong lang eh. Ba’t siya nagagalit? Eh ‘di totoo nga. Dini-deny pa niya sa’kin.“Alam mo Alexus, bakit hindi mo puntahan si Sofia at itanong kung sino ang nag-hire sa kaniya,” suhestiyon ko na lang dahil mukhang hindi niya naman aaminin ang binibintang ko sa kaniya. “Kung hindi nga ikaw ang nag-hire sa kaniya at ang nag-demote sa’kin.”Nagsalubong ang mga kilay niya na muntik ko nang ikinatawa. Hindi ko masabi kung galit ba siya o hindi maintindihan ang mga sinabi ko. Pero natuwa talaga ako nang makita na nag-iba saglit ang reaksyon ng mukha niya. Lately, napapansin ko rin iyon. Hindi na siya ang dating Alexus na malamig pa sa nyebe ang pakikitungo.“Pinagdududahan mo ba ako, Aelice?” tanong niya na halata sa tono ang pambabanta. Pero sanay na ako sa paganyan niya.“Hmm, hindi ko alam,” painosente kong sagot pagkatapos ay nagkibit-balik
Tatlong araw na ang lumipas nang mangyari ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin ni Alexus. Hindi niya pa rin ako kinakausap. Or, should I say, hindi pa rin kami nagkakausap. Hindi naman ako nagtaka sa nangyayari sa’min ngayon dahil malinaw sa’kin kung ano ang dahilan. Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nagkaroon ng bagong senior executive assistant. Ni hindi manlang niya ako kinausap na papalitan niya ako.So, anong magiging papel ko ngayon?Tanggal na ba ako sa trabaho ko?Hindi naman sure na ako pa rin ang personal assistant niya. ‘Yong posisyon ko nga sa ALera binawi niya, ‘yong role ko pa kaya sa buhay niya?Baka gusto niya na rin ako palitan at naghanap siya ng bagong papanggap na Aelice.“Aelice, tulala ka na naman diyan. Don’t worry hindi ka pa napapalitan sa puso ni Mr. Alexus. Ikaw pa rin ang papakasalan niya,” puna ni Monique dahil kanina ko pa tinititigan ang bagong SEA.Nakakainis!Hindi pa nga ako inaabot ng isang buwan sa puwesto na iyon. Tapos sa isang igla
“Elize, nakita mo na ‘to?” tanong ni Monique at inabot sa’kin ang tablet niya.Kumunot ang noo ko sa kaniya dahil hindi ko maintindihan ang timpla ng mukha niya, pero tinanggap ko pa rin ang tablet. And there, naka-open ang isang headline kung saan kitang-kita ang mukha namin nina Alexus at Harkin. Napakuyom ako ng mga kamay dahil nakita ko na naman ang pagmumukha ng manyak na ‘yon. Sinasabi na nga ba at kami magiging laman ng headline. Pero hindi ko inasahan na mali-link sa’min ang walang hiyang ex ni Aelice. Sinadya niya siguro ito para pagpiyestahan kami ng media.“Unexpected ang pagsulpot ni Harkin sa corporate gala ngayon. Hindi na kasi siya basta-basta uma-attend magmula nang maghiwalay sila ni AG.”Eh? Malaki pala ang naging epekto sa kaniya ng paghihiwalay nila ni AG. Sorry to say but he deserved it anyway. Sinong tatagal sa kaniya kung may pagkabastos siya?“Ano pang alam mo tungol sa kaniya, Monique?”Siguro kailangan kong mag-ingat sa lalaking ‘yon. Puwede niya akong sirain












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu