AVERY'S POV “Dahan-dahan, senyorita..” ani Kuya Luis na nasa likuran ko. Hinawakan niya ang mga braso ko habang inaalalayan akong tumawid sa makitid na daan dito sa bukid. Ang hirap ng nilalakaran namin dahil napaka kitid ng daan na halos isang pulgada lang ang lapad. Para kaming mga acrobat na kinakailangang mag balanse ng bongga dahil oras na magkamali kami ay sa putikan ang laglag namin. Nang makatawid kami sa pilapil ay merong kubo sa gitna ng palayan at doon nila ako pinagpahinga. “Dito ka muna, senyorita. Manghuhuli lang muna kami ni Tatay ng mga hito. Ikaw naman Leva, samahan mo si Senyorita, para hindi siya mainip.” ani Kuya Luis saamin ni Leva. “Eh, kung ikaw na lang kaya kuya ang sumama dito kay Avery, nang sagayon ay makapag solo naman kayong dalawa.” ani Leva na may kakaiba na namang mga ngiti sakaniyang labi. Pinitik ni Kuya Luis ang ilong ni Leva. “Ikaw talaga, puro ka kalokohan.” anito na tinalikuran na kami. “Wala man lang goodbye kiss dyan si Avery kuya?” an
Last Updated : 2025-11-26 Read more