Avery Cruz, 20 years old. Lahat ay gagawin para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya at matustusan ang pagpapagamot ng kaniyang inang may breast cancer. Isa lang ang naisip niyang agarang solusyon sa kaniyang problema, yon ay ang ibenta ang sarili kay Travis Axel Dela Torre, 32 years old. Isang batang bilyonaryo at tagapag mana ng mga Dela Torre. Sa halagang 30 Million na alok nito ay pumayag siyang maging babae ni Travis. Walang hindi ginusto si Travis na hindi niya nakukuha. When he saw Avery, ginusto niyang mapasakaniya ito. Gamit ang kaniyang pera, nakuha niya ito at naikama! Ngunit paano kung sa pag tira niya sa bahay kasama si Travis ay matuklasan niyang kapatid pala ito si Simon Anthony Dela Torre, 22 years old. Ang lalaking matagal na niyang pinapangarap? Paano kung kelan kinakasama na niya ang kuya nito ay saka naman nagpakita ng damdamin para sakaniya si Simon? Isang pagtataksil nga ba ang mabubuo para sa isang makasalanang pag nanasa? Ano/Sino nga ba ang mas higit na magiging matimbang para kay Avery? Puso o salapi?
Lihat lebih banyakAVERY'S POV
“Beshy si Simon papadaan na..” bulong saakin ni Fiona na may pag pisil pa sa tagiliran ko. Bakit ba feeling ko, mas kinikilig pa siya kesa sakin? Eh, ako itong may crush kay Simon. Nasa hallway kami nakatambay sa labas ng canteen ng heto na nga.. Natatanaw ko ng papalapit si Crushy! Simon Anthony Dela Torre, 22 years old. Gwapo, matangkad, maputi at chinito! Perfect na perfect para sa kagandahan ko! Char! Siya lang naman ang campus crush dito sa university na pinapasukan ko, na ang balita ko ay pag aari ng kanilang pamilya. Si Simon.. Sya lang naman ang dream guy ko! First year pa lang ng ma hook niya ang puso ko. Simula non, deads na deads na talaga ang beauty ko sa kagwapuhan niya! Hayyy..! Para siyang prinsipe at ako ang kaniyang prinsesa! Ang matangos niyang ilong, chinitong mga mata at mapupulang labi.. Shet! Kinikilig ang tinggil ko! Enebe!!! Simon.. Anakan ko mo ko ng sampu please... Grrr!! Haha! Taranta kong inayos ang aking buhok pati na ang aking suot na uniform. “Ano beshy, okay na ba ang hitsura ko ha?” aligaga kong tanong sakaniya. Para akong maiihi na ewan! Yung puso ko daig pa ang may mga kabayong nagkakarera habang yung mga kamay ko naman ay nanlalamig na sa sobrang kaba! “Oo beshy, okay na.. Kaya lang ayon na sya oh.. Nilagpasan na tayo..” anito na inginuso pa si crushy ko.. Bagsak ang balikat kong napahabol na lang ng tingin sa likod niya habang nakatulis ang aking nguso. Bwiset! Todo ayos pa ako tas lalagpasan niya lang pala ang beauty ko? Huhu! “Dibale beshy, mamaya may practice sila ng basket ball.. Manood tayo! Wag na natin pasukan yung subject nating Euthenics.. Boring naman ni Prof. Minchin mag turo, eh.” udyok saakin ni Fiona. Ngumisi naman ako sa idea niya.. Para kaming tanga na nagtatalon talon habang magkahawak ang mga kamay at tuwang tuwa. “Sige.. Gusto ko yan, beshy!” Ako nga pala si Avery Cruz, 20 years old. Ang pinaka maganda sa universe, sabi ni Mama! Haha! Graduating student sa isang prestihiyosong University sa kursong Information Technology. Hindi ako mayaman, masasabi kong maswerte lang ako dahil isa ako sa nabunot ng TADT Co., na mabigyan ng scholarship.Balita ko sila din ang may ari nitong University at isa sa layunin nila ay ang tulungan ang mga kagaya kong poorita na makapag tapos ng pag-aaral. Libre ang tuition f*e ko basta hindi bababa sa dos ang grades ko.
Uniform, books, pang baon, at pamasahe na lang ang po-problemahin ko kasi hindi na nila shoulder yon. Working student naman ako kaya may napagkukunan ako ng pera para sa mga pangangailangan ko na hindi na sagot ng scholarship ko. Matapos ng subject naming Philosophy ay tumuloy kami sa plano namin ng beshy kong si Fiona. Dumiretso kami sa court ng school para panooring mag practice ang super duper crushy kong si Simon. “Whaahhh!!! Go Simon! I love you so much!” walang hiya kong hiyaw.. Cheer to the maximum level ang ante mo! Feeling jowa lang ako kung maka pag cheer hano? Bayaan nyo nya na ang pagiging delulu ko, libre lang naman toh kaya susulitin ko na! Hehe.. Napangiti ako ng mapatingin saakin ang kaibigan ni Simon na si Cristof. Kinalabit kasi niya si Simon at itinuro ako sa crushy ko.. Napasulyap naman saakin si crushy.. Kaya nga lang nag salubong na naman ang kilay niya at napailing habang dini-dribble niya ang bola! As usual, di na naman siya happy na makita ako! Pero keri lang! Mahal ko pa rin siya kahit isang daang libong beses niya pa akong ireject! “Wahhh!!! Ang galing mo talaga Simon my loves!” hiyaw ko ng makatira ng tres ang aking mahal! Next time ako naman ang tirahin mo! Ayt! Char lang! Panay ang talon at palakpak ko ng manalo ang kanilang kupunan sa unang game. Kandarapa akong lumapit sakaniya para abutan siya ng tubig at punasan ang kaniyang pawis, pero nilagpasan niya lang ang beauty ko! Dineadma na naman niya ako! Huhu! Sahalip ay sa ibang girls siya lumapit at nakipag flirt! Baket ka naman ganyan sakin Simon my loves? Panget ba ako? Kapalit palit ba ako? Huhu! Inggit ako sakanila! Nakatulis ang nguso kong napapatingin na lang sa mga girls na kinakausap niya at ngingitian.. Bakit siya ganon sakin? Masyado syang mapanakit ng feelings! “Bakit pag sila kinakausap niya.. Bakit pag ako, todo iwas siya na para bang may sakit akong nakakahawa?” nakalabi kong maktol kay Fiona. Tinapik tapik naman ako sa likod ni Beshy. “Okay lang yan beshy.. Habang may buhay, may pag asa! Mapapansin ka din niya! Hindi man ngayon, malay mo sa next life mo! Haha!” Pang aasar niya saakin kaya walang pag aatubili ko siyang kinurot sa tagilaran. “Aray ko..” daing niya. “Ikaw.. Ang bully mo! Na bo-broken hearted na nga yung tao, ino-okray mo pa!” sumbat ko sakaniya. “Ikaw naman di na mabiro!” Inakbayan niya ako sa leeg! Kulang na lang sakalin na niya ako! May lihim yatang galit sakin tong beshy ko eh, sinisimplehan lang ako! “Aray ko, ano ba? Papatayin mo ba ako? Aba naman! Hindi ko pa nga nagiging jowa si Simon eh,” protesta ko habang uubo ubo. “O.A!!” aniya. “Masakit nga kasi.. Ikaw kaya akbayan ko sa leeg?” anas ko. 2pm pagkatapos ng klase ko ay pumara na ako ng jeep sa labas ng University. Papunta naman ako ngayon sa trabaho ko. “Bye beshy, ingat sila syo!” kaway saakin ni Fiona ng ang kalahati lang ng pwet ko ang nakaupo sa upuan ng jeep. Diko tuloy alam kung malaki lang ba ang pwet ko o sadyang wala ng space, pero pinipilit pa rin ni Manong driver na meron pa kahit wala na! Huhu.. Pati ba naman sa upuan ipagsisiksikan ko pa rin ang sarili ko? Akala ko sa taong hindi lang ako mahal, ipagsisikikan ko ang sarili ko, pati rin pala sa pesteng upuan ng jeep.. Aray ko! Masyado na talagang mapanakit ang mundo! “Bayad po.” abot ko sa mga katabi ko ng limang piso, na pinagpasa-pasahan nila hanggang sa makarating kay Manong Driver. “Kaninong bayad itong 5php?” tanong ni Manong driver. “Saakin po Manong. Estudyante po!” proud kong turan na itinaas pa ang isa kong kamay habang labas ang bente kwatro kong mga ngipin. “Ineng, sampung piso ang bayad kapag estudyante. “Alam ko po manong. Kaya lang po kalahati lang naman po ng pwet ko ang nakaupo, kaya kalahati lang din po ng bayad ng estudyante ang ibabayad ko.” tugon ko. Nagtawanan naman ang mga pasahero ng jeep. “Oo nga naman manong tama naman si Ms. Ganda..” Sang ayon ng isa ding estudyante na nag-aaral sa ibang university na nasa harapan ko nakaupo. “Kitams! Manong lahat sila agree!” nakangisi ko pang tugon. Napakamot na lang si Manong driver sa kaniyang ulo. Unti-unting nawala ang malawak kong ngiti ng mag tama ang mga mata namin ni Simon. Hindi ko napansin na nakasakay din pala siya sa jeep sa kabilang upuan at limang tao ang layo mula saakin. Masama lang naman ang ipinupukol niyang tingin saakin habang bakas sa mukha niya ang pagkairita na makita ang kagandahan ko. Ganon lagi ang mukha niya kapag nakikita ako. Para ba akong isang malaking bacteria sa paningin niya na kinasusuklaman niyang makita. Teka, ano nga palang ginagawa niya rito? Ang alam ko may sarili siyang kotse.. Bakit sya nag commute? Nasagot ang tanong ko ng mapatingin ako sa katabi niyang si Cristof na ngising aso saakin. Kung ano namang ikinainis ni Simon kapag nakikita ako eh siya namang ikinatutuwa ni Cristof.. Para ba syang nakakakita ng clown kapag nakikita niya ako! Pansin ko din na kapag nakikita niya ako ay tinutudyo niya si Simon.. Diko tuloy alam kung dapat ko ba siyang pasalamatan o kainisan! Saan kaya ang lakad nilang dalawa? Bigla akong nahiya at sumiksik sa katabi ko na nakataas ang kamay at nakahawak sa railing sa bandang bubong ng jeep! Kanda duling naman ako ng biglang pumasok sa ilong ko ang matapang na amoy ng kili-kili ni Kuyang! Arghhh... Dami kong Grrr!! Daig ko pa ang nasabugan ng atomic bomb!! Kuya ang lakas!! Ang lakas ng putok mo!! Susko! Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng jeep. Sa totoo lang, matapang lang naman akong mag express ng nararamdaman ko sakaniya kapag kasama ko si Fiona! Siya ang source ko ng lakas ng loob.. Pero pag ganitong ako lang mag isa.. Para akong nasipong manok! Kabog to the nth power na naman ang dibdib ko.. Parang nanlalambot ang buo kong katawan sa sobrang kaba, idagdag mo pa ang amoy baktol na kili-kili ni Kuya mo na hindi yata kilala si Deo. Nang matanaw ko na ang fastfood na pinagta-trabahuhan ko ay mabilis kong hinila ang tali ng jeep. Ilang saglit pa ay ihininto na ni Manong Driver yung jeep. Sa wakas, makakahinga na ako ng maluwag! Sa pag aapura kong makababa ay bumaliko pa ang 2 inches heels na suot ko kaya naman dirediretso ang pag bagsak ng paa ko sa sahig. Mabuti na lang nakakapit ako sa hawakan ng jeep, kung hindi bangas ang aabutin ng beauty ko! “Miss, walang isda dyan!” biro pa saakin ng isang estudyante na sa halip tanungin ako kung okay lang ako eh pinagtawanan pa nila ako! Mga bwiset na to! Napatingin ako kay Simon na nahuli ko pang nag buntong hininga habang pumapalatak.. As usual.. Dismayado na naman siya! Bumitaw na ako sa jeep ng naramdaman kong aarangkada na si Manong driver! Mahirap na baka makaladkad niya pa ako! Sayang naman kung masisira lang ang maganda kong mukha noh! “Bye Mahal!” lakas loob kong hiway ng makalayo na ang jeep! Kumaway pa ako at nag flying kiss kay Simon. Syempre malakas na ulit ang loob ko kasi nakababa na ako ng jeep eh, hehe.. Iika-ika tuloy ako ngayong papasok sa trabaho! Yan kasi Avery! Landi pa more! Napapala mo tuloy!AVERY'S POV"Avery, anong sabi sayo ni Sir Pogi?" Usisa saakin ni Weng.Nasa service counter kami ngayon at nagpapasa ng order ng mga customers namin ng lapitan niya ako. Isa kasi siya sa mga naka assign na mag assist ng mga customers sa second floor, maliban na lang kung ni-request ng customer ang iba saamin na mag-entertain sakanila.Malamang nakita niya ako na kausap si Kuyang Pogi kanina o Mr. Travis."Hmm.. masyado kasing kumplikado ang mga napag-usapan namin.""Sus, kumplikado ka dyan! Alam mo, masanay ka na. Karaniwan na lang saatin dito ang i-request ng mga customers noh! Alam mo bang ang swerte mo dahil nagka interest sayo si Mr. Travis ha?""Swerte? Paano mo naman nasabi?" isinandal ko ang balakang ko sa counter, para makapag pahinga kahit papano."Girl wala ka ba talagang alam tungkol sa kaniya? Alam mo bang bukod sa yummy siya ay isa siya sa pinaka mayamang businessman sa bata niyang edad? Balita ko rin na siya ang tagapag mana ng kanilang angkan! Tsaka alam mo, iyang si M
3RD PERSON'S POV"Sino bang tinitingnan mo diyan pre?" Kuryosong tanong ni Uno sa kaibigan ng mapansin itong nakatingin sa ibabang palapag ng Bar.Kanina pa siya kwento ng kwento sa lalaki pero tila hindi naman ito nakikinig sa kaniya. Nasa gilid ng rehas ng second floor sila naka pwesto, sa may dulong bahagi ng VIP table. Ito ang favorite spot nila ni Travis kapag pupunta dito sa Bar dahil mula sa kinauupuan nila ay tanaw nila ang kabuoan nito.HIndi siya sinagot ni Travis sa kaniyang tanong. Madilim ang anyo nito at panay ang galaw ng mga panga. Base sa inaasta nito ay tila hindi ito natutuwa sa kung ano man ang kanina pang pinagtutuunan nito ng atensyon.Ngayon niya mas napatunayan na kanina pa nga ito hindi nakikinig sakanya."Tsk!" naiiling na lang niyang palatak ng sundan ang tinitingnan ni Travis.Nakatitig ito ng mataman sa isang babae na mukhang bago lang sa kanilang paningin. Madalas sila rito kaya kilala na nila lahat ng empleyado dito, Halos lahat kasi ay naikama na niya.
AVERY'S POV"Yung mga candidate ng Ms. Intramurals, pumila na kayo dito sa unahan." Tawag ni Ms. Minchin, saamin.Ganon na lang ang kabog ng dibdib ko ng mapatingin si crushy sa gawi ko. Kahit pa halos mangatog na ang tuhod ko sa kaba ay nagawa ko pa ring lunmatod kay crushy.. Nag wave ako sa kanya at nag flying kiss sabay kindat.Kakainis! inirapan lang ako!Isa isa ng rumampa ang bawat class represantatives.. Hindi ako nag practice kaya naman hindi ko alam kung paano ako rarampa sa stage.. Ah! bahala na.. gagayahin ko na lang yung baklang nanalo saamin ng Ms. Gay!Sabi naman ni Ms. Minchin, manalo-matalo ay uno ang ibibgay niya saaking grades."Hoy, Xerox girl galingan mo ha!" mahinang turan ng partner kong si Xander."Sus, ako pa ba?" mayabang kong sagot."Yabang ah!" naka ngisi niyang turan."Aba syempre! May ipagmamayabang e." saka kami nagtawanan na dalawa.Naisara ko ang bibig ko ng makita kong nakatingin ng masama saakin si Simon. Ano na naman bang problema niya saakin?Nagses
AVERY'S POVNanlalabo ang mga mata kong nag dilat.. Malabong imahe ng isang lalaki ang aking nakita."Simon.." tawag ko sa pangalan ng lalaking mahal ko.Bigla kong naalala ang huling nangyari saakin bago ako mawalan ng malay, Agad akong napabangon kaya naman nauntog ako sa ulo ng isang tao na nakadukwang saakin."Ouch!" nakayuko niyang daing sapo ang kaniyang noo. Nakaupo siya sa gilid ng higaan koNakasuot siya ng white suit.. Saan naman kayang kasalan umatend ang isang ito? Ang gara ng suot niya! Para siyang mayamang Businessman sa mga pocket book na nababasa ko.Teka, nasaan nga pala ako?Nagpalinga-linga ako. Puti ang kulay ng buong silid. May Sofa na kulay puti na nakapwesto malapit sa pintuan. Dumako naman ang mga mata ko sa kamay kong may naka tusok na dextrose. Nasa isang silid kaya ako ng isang hospital?Nang mapalingon ako sa lalaking nasa harapan ko ay saktong nag angat naman siya ng mukha. "Nasa langit na ba ako?" wala sa sarili kong naiusal. Para kasi siyang Anghel na n
AVERY'S POINT OF VIEW"Ate Catherine..""Tao po..""Ate Catherine.."Nakailang katok na ako sa pinto ng bahay ni ate Catheryn ngunit wala pa ring sumasagot. Aba'y uugatan na ako saaking kinatatayuan pero mukang wala syang balak na pag buksan ako. Alam kong may tao sa loob dahil nakakarinig ako ng buduts na tugtog galing sa loob ng bahay niya.Mukhang nagbubuduts pa ang hinayupak! Hintayin ko muna matapos yung tugtog bago ulit ako kakatok. Patatapusin ko muna siyang sumayaw, Haha.Nang mag iba na nga ang tugtog ay nilakasan ko na ang katok ko sa pintuan niya. Linakasan ko na rin ang tawag sa pangalan niya para lang marinig niya pero wala pa ring nag bubukas ng pinto.Ayaw mong lumabas ah! tingnan ko kung di ka pa lumabas ngayon..Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa gilid ng bibig ko saka ako humiyaw ng malakas! "Sunog! mga kapit bahay may sunog!" dahil sa hiyaw ko ay di lang si Ate Catheryn ang lumabas pati na rin ang buong kapit bahay niya!"Wuah! may sunog daw! sunog!" taranta na ri
AVERY'S POV“Anak mo ba yan Nora? Apaka ganda naman pala ng anak mo! Ang kinis at parang labanos sa kaputian!” bulalas ng isang babaeng bumili saamin ng banana q ni Mama. Araw ng sabado ngayon at wala akong pasok. Pag ganitong mga araw ay tinutulungan ko si Mama mag lako ng mga paninda niyang miryenda.“Oo anak ko nga yan!” proud na sabi ni Mama.Yung ngiti ko naman ay abot na yata hanggang tutuli ko. Ay mali, tenga pala! Hehe.. Ito talaga ang gusto ko kapag sumasama ako kay Mama mag lako ng paninda.. Yung reaction kasi ng mga bumibili saamin ay daig pa nila ang nakakita ng artista.. Relax lang kayo, ako lang toh.. Haha!“Nay Nora, baka naman pwede nyo akong ipakilala dyan sa anak nyong maganda.” turan ng binatang tambay sa hinintuan naming tindahan.“Ay naku Betong, nag aaral pa yang anak ko.” turan ni Mama na inilapag sa harapan nila ang basket naming dala.“Papakyawin ko na yang paninda mo Nay, payagan mo lang akong ligawan ang anak mo.” pangungulit pa niya.“Naku, Betong, hindi mo
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen