AVERY'S POV "You're welcome, Yanyan." tugon ko saka ngumiti ng matamis sa kaniya. Excited niyang kinuha ang ilan sa mga dala ko at nauna ng lumakad sa akin papunta sa higaan ng kaniyang ina. "Ma'am, Avery, ang dami yo naman pong dala, nakakahiya naman po at nag-abala pa po kayo..." nahihiyang turan ni Ate Lea ng makita ang mga bitbit ko. Sa mga sandaling iyon ay nakaupo si Ate Lea sa kaniyang higaan habang ang kaniyang likod ay nakasandal sa naka bent na kama. "Okay lang, Ate Lea. Tingnan mo si Yanyan, sobrang saya niya..." tugon ko naman. "Napakabuti mo po sa amin Ma'm, hulog ka po ng langit." saad pa ni Ate Lea habang maluha-luha ang kaniyang mga mata. Ang sabi niya sa akin ay 36 years old pa lang siya, kung kaya mas pinili kong Ate Lea na lang ang itawag sa kaniya. Ngunit kung pagmamasdan siya ay aakalain mong nasa edad fifty pataas na siya. Matured kasi siyang tingnan gaya ni Mama. Talagang mababakas mo sa kaniyang anyo ang kahirapan ng buhay. Kulang kasi sila sa pagkain a
Last Updated : 2026-02-26 Read more