3RD PERSON'S POV “Wow, sa'kin po itong lahat, lola?” manghang tanong ni Terra kay Donya Matilde ng muli siyang bisitahin ng matanda sa kaniyang paaralran. May mga dala itong mga laruan at pagkain. Itinaon niyang lunch break ng bata upang makasama ito ng matagal-tagal. “Yes, Terra. Sayong lahat yan!” magiliw na tugon ni Donya Matilde sa kaniyang apo. “Wow! Salamat po, Lola!” masayang tugon ni Terra saka excited na binuksan ang mga malalaking paper bags. “You know what, Terra? Kamukhang-kamukha mo ang aking apo. I thought you were his daughter when I first saw you.” pahaging sakaniya ng matanda. “Alam mo po ba lola na kamukha ko din po ang Daddy ko?” daldal din sa kaniya ni Terra. “Really, Terra? Do you have a picture of your Dad? I'm curious what he looks like.” Tumango-tango ang bata. “Yes po! I always bring his pictures with me, to show my classmates how handsome my Daddy is!” pagmamalaki niya kay Donya Matilde saka dinukot sa bulsa ng kaniyang palda ang larawan ni Travis.
Terakhir Diperbarui : 2026-02-13 Baca selengkapnya