SLNL ➭ 015 ꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲Nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa opisina ng walang nakakakita sa amin ni Zaqueo. Hindi ko alam na mayroon pa lang secret passage sa building na ito. Bago kami tuluyan naghiwalay ng landas ni Zaqueo, humalik muna ako sa pisngi niya kanina pero wala pa rin siyang reaksyon. Masama talaga siguro ang loob niya sa mga sinabi ko.“Good morning, Ash. Akala ko mali-late ka na eh. Kanina pa kaya ako na tawag sa ‘yo, hindi mo sinasagot.” Salubong na bati sa akin ni Enzo. Narito na sila pareho ni Mia.“Ay hala, sorry. Naka-silent kasi ang cellphone ko kaya hindi ko narinig. Medyo na traffic lang ako kanina.” Alanganin akong ngumiti sa kaibigan ko.Pinakilala kami ni Engineer Howard Anderson, ang head ng Engineering and Architectural Department. Sa tingin ko ay kasing edad lang ni engineer ang asawa ko. Naging mainit ang pagtanggap sa amin kaya hindi rin ako nakaramdam ng pressure. Matapos kami ipakilala, sandali niya din kami nilibot sa bawa
Read more