Pagdating sa IronGate, dumiretso si Damon sa monitoring room. Naghihintay na roon si Julian sa harap ng mga monitor habang sinusuri ang CCTV footage na ipinadala ng impormante nilang may access sa security system ng mall.“May nakita ako sa footage noong araw na nakasalubong natin si Prince at Felicity pero huwag kang magugulat,” sabi ni Julian.Kumunot ang noo ni Damon at lumapit. Sa gitnang monitor, makikita ang malawak na mall. Kita sa ground floor ang paglalakad nila ni Julian habang sinusuri ang mga tindahan at mga taong dumaraan. Sa second floor naman, nakatayo sina Stefie, Clarence, Divine, at Felicity.Napatitig siya sa asawa.Nang tumingala siya mula sa ground floor, mabilis na umatras si Felicity at pumuwesto sa harap ni Divine. Hindi iyon basta paggalaw. Ginamit nito ang sariling katawan upang harangan ang babae sa paningin niya.“May isa pang angle,” sabi ni Julian.Lumipat ang footage sa camera na nakatutok sa escalator at hilera ng mga tindahan sa second floor. Nang makit
Read more