“Hello, Julian. Make sure na importante ang dahilan kung bakit ka tumawag. Busy ako,” sabi ni Damon habang hinahapit si Felicity sa baywang.“Hindi mahanap ang truck,” ulat ni Julian sa kabilang linya. “Walang maliit na delivery truck na tugma sa partial plate, modelo, at kulay na ibinigay ninyo. Posibleng peke ang plaka, pinalitan ang ilang numero, o sadyang tinakpan ang tunay na plate number.”Nawala ang init sa mukha ni Felicity. Kanina lamang ay naghahalikan sila ni Damon sa gitna ng magulong kusina. Ngayon, bumalik sa isip niya ang truck na walang ilaw na lumabas mula sa service gate ng CocoLand.“Sigurado ka?” tanong ni Damon. Nakatukod ang isang kamay nito sa counter habang nakatingin sa cellphone.“Ilang beses naming sinuri. Walang lumabas na exact match. May ilang sasakyan na magkapareho ang unang mga letra at numero, pero hindi tugma ang uri at kulay.”“Sige. Salamat, Julian.”“Tawagan mo lang ako kung may balita ka.”Pagkaputol ng tawag, pinatay ni Damon ang screen at ibinal
Read more