Sumugod si Damon nang sunggaban ni Felicity ang kamay ni Warren.Pumutok ang baril.Tumama sa lupa ang bala, ilang pulgada mula sa paa ni Felicity. Sa pagkagulat ni Warren, nahila ni Damon ang braso nito palayo sa babae. Sinuntok niya ito sa panga, inagaw ang baril, at itinulak sa lupa.“Walang kikilos!”Dumagsa ang mga pulis mula sa magkabilang dulo ng warehouse. Pinalibutan nila si Warren habang dinadakip ang mga armadong tauhan nito. Inihagis ni Damon ang baril sa bahaging walang tao at itinaas ang mga kamay upang ipakitang hindi siya kalaban.Nang makumpirma ng mga pulis ang pagkakakilanlan niya, lumapit siya kay Felicity.“Fel, nasaktan ka ba?”Hindi ito sumagot. Nakatingin lamang ito sa kanya, namumutla at mabigat ang paghinga.Naalala niya ang sinabi niya kay Warren.E di patayin mo. No one cares.Kailangan niyang ipaliwanag na panlilinlang lamang iyon. Ayaw niyang malaman ni Warren kung gaano kahalaga sa kanya ang babaeng hawak nito. Ngunit bago siya makapagsalita, dumating an
Read more