Ceelin"You're going home with me now, right?" tanong ni Phil habang  magkayakap kaming nakahiga sa kama. Tapos na ang daluyong ng aming mga damdamin. "Yes. I will go home with you," nakangiting sagot ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa noo bago bumaba sa aking ilong at bibig. Akala ko ay dadampian lamang niya ako ng halik sa labi ngunit biglang lumalim ang halik nito. Muling nabuhay ang init sa katawan namin. Halos hindi niya ako pinatulog. Masakit tuloy ang buong katawan ko kinabukasan, lalo na ang bahagi ng private parts ko.Sumama ako sa kanya pauwi sa bahay kinabukasan. Pagpasok namin sa bahay ay bigla niya akong binuhat at dinala sa loob ng banyo."Gusto kong maligo," bulong niya sa tainga ko."Maligo ka kung gusto mo. What does it have to do with me?" nakakunot ang noo na sabi ko sa kanya. Akmang lalabas na ako sa banyo ngunit pinigilan niya ako. "I want us to take a bath together." Bago pa ako makapagprotesta ay binuhat na niya ako at dinala sa tapat ng sh
 Last Updated : 2025-09-21
Last Updated : 2025-09-21