Ceelin was deeply hurt by love. She was unwanted by her family. She was hated by her husband and in-laws. She was killed by her husband and abandoned in the street like a stray dog. But God pitied her, instead of dying, she just traveled back in time to when she was engaged to her husband. Determined not to repeat her past life, she promised to be herself and not be dictated by the people around her. But no matter what she does, she still ends up entangled with her husband. Is there really no chance she could escape her tragic fate? Or was she reborn to uncover the truth from the past?
View MoreCeelin
Kabadong pumasok ako sa malaking bahay. Tinawagan kasi ako ng aking ama at pinapunta sa bahay nila. Pagkatapos nitong tumawag ay nagmamadali akong umuwi sa bahay ng mga magulang ko. Base kasi sa tono ng aking ama ay nahuhulaan kong galit siya sa akin. At kapag galit siya sa akin ay palagi niya akong pinagbubuhatan ng kamay. Hindi ko alam kung bakit mukhang galit siya sa akin. Wala naman akong natatandaan na may sinuway ako sa mga ipinag-uutos niya sa akin. Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko ang aking ama na nakaupo sa sala kasama ang aking ina at nakababatang kapatid na si Lucy. Madilim ang mukha ng aking ama habang mariing nakatikom ang bibig. "Bakit niyo ako pinapunta rito, Dad?" kinakabahan at nagtataka kong tanong sa aking ama nang nasa harapan na niya ako. Sa halip na sagutin ang tanong ko ay galit na tumayo ang aking ama at malakas na dumapo sa aking pisngi ang mabigat nitong kamay. Natumba ako sa sahig at tumama ang noo ko sa gilid ng babasagin na center table. Agad na dumugo ang noo kong tumama sa center table. Ngunit wala man lang akong nakitang simpatya o awa mula sa mukha ng aking mga magulang kahit nakita nilang nasaktan ako. Nilamukos ko ang aking naninikip na dibdib. Dapat sanay na ako sa ganitong reaksiyon at pagtrato nila sa akin. Simula't sapol ay hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang magulang mula sa kanila. Hindi anak ang turing nila sa akin. Kaya dapat ay hindi na ako nasasaktan sa paulit-ulit na eksenang ganito. Subalit hindi ko pa rin maiwasan ang masaktan. "Bakit, Dad? Anong kasalanan ang nagawa ko?" nangingilid ang mga luha na tanong ko sa aking ama. "You still have the guts to ask me?!" galit na dinuro niya ako. "Hindi ba sinabi ko sa'yo na kumbinsihin mo ang asawa mong ibigay sa akin ang contract ng project na nagkakahalaga ng miyones? Bakit sa iba niya ibinigay?" "Gumaganti siya sa'yo, Dad. Palagi mo siyang sinasaktan kaya hindi ka niya tinulungan na makuha ang contract ng project na gusto mo," nakaismid na sabad ni Lucy. Kagaya ng mga magulang ko ay hindi rin maganda ng trato niya sa akin. She treated me like I was not her older sister. "Tama si Lucy, Delfin. Sinadya talaga ng magaling mong anak na huwag kang tulungan na makuha ang project para makaganti siya sa atin. Baka nga sinulsulan pa niya si Phil kaya sa iba ibinigay ang project na para sa'yo dapat," panunulsol naman ng aking ina. Pareho sila ni Lucy na magaling sa panunulsol sa aking ama. "Hindi totoo iyan, Dad. Kinausap ko si Phil na sa'yo na lamang ibigay ang project pero nagalit siya sa akin. Wala raw akong karapatan na manghimasok sa business niya," pagtatanggol ko sa aking sarili. "Sinungaling!" Isa pang malakas na sampal mula sa aking ama ang dumapo sa aking mukha. Dumugo ang gilid ng aking mga labi at biglang namanhid ang aking pisngi na sinampal nito. "Ginawa ko ang lahat para maging asawa mo si Phil nang sa ganoon ay matulungan mo ako na mapalapit sa mga Salvatore. But what did you do, Ceelin? Mas sinira mo ang relasyon ko sa pamilya nila!" Two years ago ay nagpakasal kami ni Phil sa huwes dahil sa isang nakakahiyang pangyayari. Nag-demand ang aking ama na panagutan ni Phil ang nangyari sa aming dalawa. Mataas ang pagpapahalaga ng ama ni Phil sa sa moral value kaya agad na inutusan nito ang anak na pakasalan ako. Walang nagawa si Phil kundi sundin ang kagustuhan ng kanyang ama. May sakit kasi sa puso ang ama nito. Bawal sa kanya ang masyadong magalit. At isa pa, matagal ng gusto ni Mr. Salvatore na mag-asawa si Phil. Gusto kasi nito na makita muna ang unang apo bago man lang ito mamatay. Ngunit kahit naging mag-asawa na kami ni Phil ay hindi pa rin natupad ang gusto ng ama nito. Hindi ako nabuntis. At hula ko ay wala talagang nangyari sa amin ni Phil nang gabing iyon. Namatay si Mr. Salvatore nang hindi natutupad ang kahilingan nitong makita ang unang apo na mula kay Phil. "Ginawa ko naman—" "Tawagan mo si Phil at kumbinsihin na sa akin ibigay ang kontrata," mariing puto nito sa sasabihin. "Kapag hindi mo siya nakumbinsi ay itatakwil kita bilang anak ko!" "Paano ko gagawin iyon, Dad? Ibinigay na niya sa iba ang kontrata." Kapag sinunod ko ang ipinapagawa sa akin ng ama ko ay mas lalo lamang magagalit sa akin si Phil. "Wala akong pakialam kung paano mo siya kukumbinsihin, Ceelin! Basta tawagan mo siya, ngayon din?" madilim ang mukha na singhal ng aking ama. Muli itong naupo sa sofa at naghintay na tawagan ko ang asawa ko. Napipilitang kinuha ko ang cell phone ko na nasa loob ng bag at nanginginig ang mga daliri na tinawagan ko si Phil. Pina-loudspeaker ng ama ko ang cell phone ko para marinig nito ang pag-uusap namin ni Phil. "What's the matter?" naiirita ang boses na tanong ni Phil nang sagutin niya ang tawag ko. "Ahm, P-Phil." Hindi ko alam kung paano ako makikiusap sa kanya na i-cancel ang kontrata sa kompanyang pinagbigyan nito sa project na gusto ng ama ko. "P-Puwedeng—" "Kung wala kang importanteng sasabihin ay huwag mo akong istorbuhin dahil busy ako." Mas lalong nairita ang boses ni Phil sa akin. "Ready na ang hot bath, Sir," narinig kong sabi ng malambing na boses ng babae mula sa background. Napapikit ako ng mariin. Tila tinusok ng libo-libong karayom ang dibdib ko. May kasamang ibang babae ang asawa ko. "Thanks, Shirley. I'll be there in a minute to help you undress—" narinig kong sagot naman ni Phil. Hindi ko na narinig ng buo ang sinabi ni Phil kay Shirley dahil ini-off na nito ang cell phone bago man matapos ang sinasabi nito. It was Shirley who was with him. Shirley was Phil's secretary. At hindi lingid sa akin na may gusto ang babaeng iyon sa asawa ko. Base sa kanilang pag-uusap ay hindi ko na kailangan pang manghula kung ano ang gagawin nila. Kahit sino ay maiintindihan kung ano ang mangyayari sa kanilang dalawa matapos nitong i-turn-off ang cell phone nito. "Useless, bitch!" singhal ng aking ama. Muli itong tumayo at sinipa ako bago umalis. "Bakit ba nagkaroon ako ng anak na kagaya mo, Ceelin? Wala kang kuwenta. You don't deserve to be my daughter," masama ang tingin na sabi naman sa akin ng aking ina bago ito nagmamadaling sumunod sa aking ama. Lumapit naman sa akin si Lucy at mariing hinila ang buhok ko pababa para iangat ang mukha ko. "Poor, Ceelin. No one wants you. Mom and Dad despised you so much. Your husband hates you. And now, he cheated on you with his secretary," nang-iinsulto na wika niya sa akin. "If I were you. I would rather kill myself that suffer humiliation like this." Tumatawang binitiwan ni Lucy ang buhok ko at naglakad palayo sa akin. Naiwan akong umiiyak at nagtatanong kung anong malaking kasalanan ang nagawa ko para pahirapan ako ng ganito ng sarili kong pamilya? Kailan ko ba mararanasan na mahalin din ako ng mga taong labis kong minamahal? Magiging masaya ba sila kapag nawala ako sa mundo?CeelinPagpasok ko sa loob ng bahay ay nakita kong nasa sala sila Mommy at Lucy. Agad na lumapad ang ngiti ng huli nang makita ako."You didn't come home last night, Ceelin. Mukhang nag-enjoy ka masyado kagabi," nakangising kausap niya sa akin. Mahigpit na ikinuyom ko ang aking mga kamao. Nilapitan ko siya at walang salitang binigyan ng malakas na sampal."Are you crazy, Ceelin?!" Galit na napatayo si Lucy at tinapunan ako ng matalim na tingin."How dare you slap my daughter!" galit na sita naman sa akin ni Mommy. She speaks like Lucy was just her daughter while I'm not. "Ano ang ginawa niya para sampalin mo siya?" "What's going on here?" tanong naman ni Daddy na lumabas galing sa study room. Narinig siguro nito ang malakas na boses ng dalawa kaya ito lumabas.Nagpapaawang lumapit si Lucy kay Daddy. "Dad, Ceelin slapped me. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko sa kanya," sumbong nito.Galit na hinarap ako ni Daddy at sinampal. "Ungrateful, woman! Pinakain at pinatira ka sa bahay
CeelinAng kaibigan ko lamang ang inaasahan kong magliligtas sa akin. Lihim akong nananalangin na sana ay bumalik na siya mula sa comfort room. Nabuhayan ako ng pag-asa nang marinig kong bumukas ang pintuan. Ngunit sa halip na si Yvee ang pumasok ay ang madilim na mukha ni Phil ang aking nakita. Agad na sinipa nito ang lalaking nakadagan sa akin at galit na galit na inundyan ito ng walang humpay na suntok. Kung hindi lamang nawalan ng malay ang lalaki ay hindi pa hihinto sa Phil sa pagsuntok sa kanya.Tahimik akong umiyak at sumandal sa upuan habang naka-ekis sa dibdib ko ang aking mga braso. Nilapitan ako ni Phil at niyakap ng mahigpit. Mas lalo akong napaiyak dahil sa seguridad na naramdaman ko. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa kanyang mga bisig."It's okay. I'm here. You're safe now," narinig kong bulong niya sa likuran ng tainga ko bago ako nawalan ng malay.Nang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng isang silid. Akmang babangon na ako nang bumukas ang pintuan ng silid at
Ceelin"Take a little sip, Ceelin. For the first time ay sumama ka sa akin na mag-bar kaya sulitin mo na. Baka sa susunod ay hindi ka na makapunta pa rito," pamimilit sa akin ng nag-iisa kong kaibigan na si Yves. Tinawagan niya ako kanina at niyayang mag-bar. Pinaunlakan ko ang imbitasyon niya dahil noon palagi akong tumatanggi sa kanya. Natatakot kasi ako na mapagalitan ng mga magulang ko kapag nalaman nilang nag-hangout ako with my friend."Okay, fine. Pero konti lang. Hindi pa ako nakakatikim ng alak kaya hindi ko alam kung gaano kalakas ang tolerance ko sa alak." Gusto ko rin naman makatikim ng alak. Uminom ng alak at kung ano ang pakiramdam ng malasing. Gusto kong maranasan ang maging isang normal na tao kagaya ng iba. Dinampot ko ang baso ng wine at nilagok lahat. "Wait, Ceelin," pigil sa akin ni Yves. Ngunit huli na dahil inisang lagoo ko lang ang wine. Inihit ako ng ubo nang maramdaman ko ang mainit na likidong dumaloy mula sa lalamunan ko pababa sa tiyan ko."What the heck
CeelinMagaan ang dibdib ko habang naglalakad ako palabas ng Diamond Hotel, ang seven-star hotel na pag-aari ng mga Salvatore. Masaya ako sa kinalabasan ng evil plan ng ama ko. Kahit batid ko na pag-uwi ko sa bahay ay sasalubungin ako ng matinding galit ng pamilya ko ay hindi pa rin iyon nakabawas sa kaligayahang nararamdaman ko. My father's plan didn't succeed. "Ceelin! Sandali lang!"Nasa labas na ako nang hotel na g marinig ko ang boses na iyon na tumawag sa akin. Huminto ako sa paglalakad at nakakunot ang noo na lumingon ako. Tumaas ang kilay ko nang makita ko si Phil na palabas ng hotel."Bakit?" seryoso ang mukha na tanong ko kay Phil nang makalapit siya sa akin. "I'm sorry about what I did earlier. I thought you were like other women—""Hindi lahat ng babae ay gusto kang maging asawa, Mr. Salvatore," sagot ko sa kanya. Ayokong marinig ang iba pa niyang sasabihin kaya pinutol ko ang kanyang mga salita. "At huwag kang mag-alala dahil hindi ako interesado sa'yo."Isinuklay n
CeelinHindi ko matanggap na mauulit pa rin sa pangalawa kong buhay ang nangyari sa akin in my past life. Agad akong bumangon sa kama para isuot ang mga damit kong nasa ibaba ng kama. Kailangan kong makalabas sa silid na ito bago pa man dumating ang mga magulang namin ni Phil at pilitin kaming ipakasal sa isa't isa.Tapos na akong magbihis at inaayos ko na lamang ang nagusot kong buhok nang bigla namang nagising si Phil. Agad na lumarawan ang galit sa mukha nito nang makita ako at ang sarili nito. Nilapitan niya ako at sinakal."You shameless, woman! You drugged me and brought me into this room! You did this so I could marry you, right?" Nag-iigting ang mga ugat sa leeg ni Phil sa matinding galit. "Huwag mong isipin na pakakasalan kita porke't may nangyari sa ating dalawa. I will never marry a woman like you!"Pinilit kong alisin ang mga kamay nitong nakasakal sa leeg ko. Ngunit parang bakal ang mga kamay nito at kahit anong gawin ko ay hindi ko ito magawang alisin. Nahihirapan na ak
CeelinPara maiwasan na magtagumpay ang maitim na binabalak ng aking ama na eskandalo sa pagitan namin ni Phil ay nagmamadali akong tumakas sa venue. Nasa fifth floor sa malawak na event hall ng seven star hotel na iyon ang venue kaya sumakay ako ng elevator pababa. Ngunit pagbukas ng elevator ay tumambad sa paningin ko ang nakangiting mukha ng aking ama kasama ang ama ni Phil."Where are you going, Ceelin?" tanong sa akin ni Daddy na biglang sumeryoso ang mukha nang makita ako. Nahuhulaan yata nito ang binabalak kong paglabas ng hotel.Kung dati ay kinakabahan agad ako sa takot kapag nakikita kong seryoso ang mukha ng Dad ko ngayon ay hindi na. Ang mabigyan ng pangalawang buhay ang siyang nagbigay sa akin ng tapang."Uuwi na ako, Dad. Biglang sumakit ang ulo ko," pagdadahilan ko sa kanya. Tumalim ang tingin niya sa akin na may halong pagbabanta."Is she your eldest daughter, Delfin?" nakangiting tanong ng ama ni Phil sa aking ama."Yes, Mr. Salvatore. Her name is Ceelin. Twenty years
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments