Agad lumebel si Abe sa akin at niyakap ako nang napakahigpit. “God, I thought I was going to lose the three of you!” halos pabulong niyang sabi.Bumitaw siya nang pagkakayakap sa akin at akmang bubuhatin ako pero mabilis ko siyang pinigilan.“Abe, itayo mo na lang ako. Mommy mo ang buhatin mo dahil nabugbog ang katawan niya nang iharang niya ang sarili niya sa mga tadyak ni Cassandra na dapat sana ay para sa akin,” kuwento ko sa aking asawa.Inalalayan niya akong tumayo at saka niya nilingon ang kanyang ina. “Thank you, mommy.”Inismiran siya ni Jacqueline. “Siyempre, apo ko pa rin ang ipinagbubuntis niya.”“Mga apo, mommy. Kambal ang panganay namin,” nakangiting sabi ni Abe.Nanlaki ang mga mata ni Jacqueline bago nilingon si Nathan na tahimik na nakatingin sa amin.“Ikaw, sino ka?” masungit niyang tanong.Nilingon namin si Nathan na umangat ang dalawang kilay at akmang magsasalita.“He’s Nathan Quinn, boss ni Isla,” pakilala ni Abe.“Itayo mo ako rito at alalayan palabas. Akala mo b
Last Updated : 2025-11-22 Read more