Kinakaya ni Isla Aguilar ang mabigat na hamon ng buhay. Nagtatrabaho sa araw, nag-aaral sa gabi para sa pangarap na mas maayos na buhay at makatulong sa gamutan ng bunsong kapatid na may Down Syndrome at butas sa puso. Sa gitna ng kanyang pagsusumikap, ang kanyang tanging pahinga ay ang lihim na talon malapit sa likod ng kanilang bahay, kung saan isang araw ay iniligtas siya ng isang guwapo at matipunong estranghero sa pag-aakalang siya ay nagpapatiwakal. Hindi niya inakalang ang estrangherong iyon ay si Johan Abraham Dela Torre, ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya na kilalang istrikto at malupit sa pamamalakad sa kumpanya, at mailap sa mga babae. Kaya’t laking gulat ni Isla nang bigla siyang alukin ng CEO ng kasal kapalit ng tulong para sa operasyon ng kanyang kapatid. May kundisyon ang kasunduan: walang pisikal na relasyon, sikreto ang kasal maliban sa pamilya ng lalaki, at isang taon lamang ang bisa. Habang tumatakbo ang mga araw, unti-unting nahuhulog ang loob nina Isla at Abe sa isa’t isa. Dahil sa angking galing at talino, si Isla ay naging isang asset ng kumpanya, at si Abe, sa kabila ng pagkukunwaring malamig at matigas, ay palihim na sinusuportahan si Isla sa kanyang pangarap. Ngunit paano kung may ibang babae na nagpupumilit maging parte ng buhay ni Abe at palaging minamaliit ng matapobreng ina ni Abe si Isla? Magagawa ba nilang ipaglaban ang pag-ibig sa kabila ng takot, sakit, at mga hadlang?
view more“Lem, huwag mo naman akong ipahiya sa mga kaibigan mo,” pakiusap ko sa lalaki.Humalaklak ito. Napauwang ang mga labi ko dahil parang ibang tao ang nasa harapan ko. Parang hindi na siya ang lalaking nagtiyagang nanligaw para mapasagot ako.“Gusto mo sa kuwarto ko tayo mag-usap?” Tumayo ang lalaki at saka ako binulungan. “Pero ipangako mo muna na hindi mo na ako ulit tatakasan.”Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nagsimula na ring tumambol ang puso ko sa takot. Kakayanin ko bang ibigay ang sarili ko para kay Ayah?Nalipat ang atensyon ko nang lumapit ang babaeng hitad sa boyfriend ko at saka sila naghalikan sa harap ko. Pagkuwan ay malanding niyakap ng babae si Lemuel. “Virginity lang makukuha mo sa kanya pero hindi ka niya kayang paligayahin tulad nang paulit-ulit kong ginagawa sa iyo.”Umakyat ang dugo sa ulo ko sa narinig at hindi makapaniwalang napatingin kay Lemuel. “May nangyayari na sa inyo?”Napangisi ang lalaki. “Anong magagawa ko kung siya ang kayang magbigay sa akin nan
Dumaan ang isang buwan na sinikap kong hindi muling magkatagpo ang landas namin ng CEO. Maging sa talon ay hindi muna ako nagpunta upang makaiwas sa chismis. Mula kasi nang dumating ang CEO ay maya’t maya ang dating ng mga mayayamang angkan sa Claveria at ipinakikilala ang kanilang anak na dalaga sa lalaki. Napabalita rin ang magkasunod na pagtanggal sa trabaho ng finance manager at site manager pati na ang mga sekretarya ng mga ito. Dahil dito naging maingat sa kanilang mga galaw ang mga empleyado ng Claveria Mining.Isang buwan mula nang maupo ang bagong CEO, unti-unti ang pagbabago sa kompanya lalo na sa mga benepisyo naming mga empleyado. Mas naging maayos ito kumpara noon. Sabado ng umaga, dumating ako ng 7:30 para sa alas otso na pasok. Habang nasa biometrics ay sakto namang dumating ang CEO at pansamantalang tumigil sa harap ko. Nagkatinginan ang ibang empleyado na kararating din lang.“Good morning, Sir,” simpleng pagbati ko.Tumango lamang ang lalaki sa akin at muling nagla
“Ate, gising.” May kung anong yumuyugyog sa akin. “Ate, late.”Napadilat ang mga mata ko sa narinig. Nilingon ko si Ayah sa aking tabi.“Ate, late,” pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.Napalingon ako sa wall clock sa loob ng kuwarto namin. Napabalikwas ako nang makita kong lagpas ala-singko na. Wala na rin si Inay sa kama, siguradong nasa dalampasigan na iyon at nag-aabang ng mahahangong isda para maibenta.“Thank you, Ayah! Maliligo na si ate ha?” Hinalikan ko pa siya sa pisngi bago tuluyang tumayo sa kama.“Welchum,” nakangiting sagot ng kapatid ko. Hindi na ako nakapagpainit ng tubig kaya halos humiyaw ako sa lamig ng tubig mula sa drum. Limang minuto lang ay tapos na akong naligo. Dasal ko na lamang ay nabanlawan ko nang maayos ang mahaba kong buhok.Pinili ko ang grey na slacks at pink na polo long sleeves. Mabuti na lang nakasanayan ko nang i-plantsa ang pang isang linggo kong damit tuwing linggo. Alas dos ko na kasi natapos ang aking analysis paper sa strategic management
Napasandal ako sa ugat ng malaking puno sa tabi ng Narra Falls at saka ipinikit ang aking mga mata at pinakinggan ang malakas na lagaslas ng tubig sa talon. Sa tuwing naririnig ko ang lagaslas ng tubig ay pakiramdam ko ay kasama nitong dinadala ang aking mga suliranin patungo sa ilog palabas ng dagat para mawala na nang tuluyan.Napatitig ako sa taas ng talon nang makitang nagsisimula na iyong abutin ng liwanag ng Haring Araw. Kinuha ko ang aking cellphone at kinuhanan ng litrato ang napakagandang tanawin na iyon. Tuwing Linggo ay maaga akong umaakyat ng bundok na nasa isang kilometro lamang ang layo mula sa likod ng bahay namin para mag-recharge. Mangilan-ngilan lamang ang nakakaalam ng talon na ito kaya dito ko gustong magpahinga para muling salubungin ang nakapapagod na isang linggo.Nilingon ko ang paligid. Nang masigurong walang ibang tao ay hinubad ko na ang aking hiking sandals, shorts at itim na t-shirt. Inayos ko ang pagkakasalansan nito bago dahan- dahang umakyat sa itaas ng
“Isla, paki-photocopy ang mga documents na ito. Fifteen copies tapos ilagay mo sa CEO’s conference room,” utos ni Maddie, ang sekretarya ng Marketing Manager namin na si Mr. Desiderio Refuerzo. Napatango ako bilang pagkumpirma na naintindihan ko. “Sorry, ngayon lang kasi iniutos ni Sir. May pinapagawa rin siya sa aking presentation para sa Lunes,” ani Maddie na halata namang nagsasabi ng totoo.“Huwag kang mag-alala, hindi ako uuwi nang hindi tapos ito,” paniniguro ko sa kanya.“Haaay! Paano na lang ako kung wala ka?” pa-cute pang sabi ni Maddie.Natawa naman ako sa hitsura niya pero isa iyon sa nagustuhan ko kay Maddie, magaan ka-trabaho.“Heto naman ay pakidala na rin sa CEO’s office mamaya. Wala si Ms. Mona kaya iwan mo na lang sa table niya,” pagbibigay pa ulit ni Maddie ng instructions bago ngumiti ng tipid at nagmamadaling bumalik sa kanyang work station. Masuwerte ako na dito sa Marketing Department ng Claveria Nickel Mining Corporation na-assign para mag on-the-job training
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments