Wala sa sarili na naglakad siya pabalik. Dapat masaya siya dahil makakabalik na siya sa pamilya niya. Ito naman ang gusto niya, ang makabalik sa kanila para matapos na ang pagpapanggap niya. Pero bakit hindi siya masaya? Napahawak siya sa dibdib ng biglang sumulpot si Viena sa harapan niya. “M-Mira, Carrie, buti nakita ko kayo! Si Ate Viel, nawawala siya. U-umiiyak siyang umalis ng malamang kasal na kayo ni Kuya Prime. Hindi niya matanggap na iniwan siya sa ere. Kung pwede tulungan ninyo akong hanapin siya.” Lihim niya itong inikutan ng mata. Wala siyang pakialam sa ate nitong atribida. Akmang aalis na siya ng hawakan siya ni Carrie sa braso. Umiral ang pagiging mabait nito. “Tara sabihin natin kay lolo.” “Alam na nila. Inutusan nga nila ako na hanapin kayo para tulungan ako.” Tumingin si Viena sa kanya. “Sana okay lang sa’yo, Mira.” Gusto niyang sabihin na ‘not okay’ pero mariin siyang siniko ni Carrie. Kaya peke siyang ngumiti at tumango dito. “Mabuti pa maghiwalay t
Last Updated : 2025-11-08 Read more