THE HIDDEN WIFE’S TEARS

THE HIDDEN WIFE’S TEARS

last updateHuling Na-update : 2025-07-28
By:  SEENMOREIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
25Mga Kabanata
78views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

(Nickolas Quinn's story) Trapped series #6 Naniniwala si Catherina na darating ang araw ay mamahalin siya ng kanyang asawang si Nickolas, na balang araw ay magbubunga ang kanyang pagtitiis at pagkapit sa pagsasama nila. Pero hanggang kailan kayang itago ni Catherina ang kanyang luha? Hanggang kailan siya kakapit sa kanilang 'kasal' gayong wala itong ginawa kundi ang saktan siya at pagkaitan ng pagmamahal? Kaya ba niyang panindigan ang pagmamahal para kay Nickolas kung sa bandang huli ay malaman niya ang pinakamasakit na katotohanan na siyang wawasak sa puso niya? TRAPPED SERIES#6. Trapped Series Titles ⬇️ 1.Trapped with him (Alaric) completed 2.The lonely billionaire and his maid. (Damon) Completed 3. His intention (Zandro) COMPLETED 4.Trapped in his wrath (Red) COMPLETED 5.Broken hearts and promises (Miguel) Completed 6. The hidden wife's tears (Nickolas) ongoing 7. The billionaire's trick (Liam)ongoing 8.His dangerous trap. (Tres) SOON 9.Forbidden desire (Jack) SOON 10.The billionaire's secret love (Wendell) SOON

view more

Kabanata 1

1.

“CATH, black ice coffee sa akin!”

“Sandwich tuna naman ang sa akin, Cath!”

“Cath, natapos mo na ba ‘yung files na binigay ko sayo kahapon? Kailangan ko na kasi ‘yon mamaya.”

“Eh yung pinapa-copy ko sayo, Cath? Natapos mo na ba? Naku kailangan ko na din ‘yon mamaya!”

Pagod na pagod siyang pumasok sa elevator. Hindi niya mapunasan ang pawis niya na nag uunahan sa pagtulo dahil sa dami ng kanyang dala. Muntik pa siyang matisod pagkalabas niya. Natuluan kasi ng pawis ang salamin niya kaya wala siyang masyadong makita.

“MISS GUNCHILLEZ!”

Napalundag siya sa gulat ng marinig ang malakas na boses ni Mrs. Reyes, ang head ng HR department. Muntik niya tuloy mabitiwan ang mga kapeng dala niya. Kahit hindi niya masyado makita ito, alam niyang umuusok na naman ang ilong nito dahil sa kanya.

Akala niya ay sisigawan siya nito pero hindi pala. Kinuha nito ang salamin sa mukha niya at malinaw na ng ibalik sa kanyang mata.

“Ano ka ba namang bata ka. Magpipitong taon ka na dito sa kumpanya pero parang wala kang natututunan. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ka nila utusan kaya hindi mo sila kailangang sundin. Hindi ka ba napapagod?”

“Eh kasi, ma’am…” pinanlakihan siya nito ng mata kaya yumuko nalang siya. Matandang biyuda na ito kaya mainitin ang ulo. Ayaw nito ng sinasagot-sagot. Baka mamaya ay pagalitan nito ang lahat ng mga empleyado kaya hindi na siya sumagot.

“Ayoko ng mauulit ito. Maliwanag ba?”

Tumango siya.

“Hindi porke nakikita nilang hindi ka tinatrato ng mabuti ni Sir Quinn ay gaganituhin ka na nila. Sige na umalis ka na.”

Kanina pa ito nakaalis pero nakatayo pa rin siya. Oo mainitin ang ulo at masungit ito pero Alam niyang nagmamalasakit lang ito sa kanya. Hindi kasi tinatrato ng maayos ng mismong may ari ng pinapasukan niya. Kaya siguro gano’n nalang din ang trato sa kanya ng mga empleyado ng kumpanya.

Tumingin siya sa flower vase na may magandang bulaklak. Akala niya totoo ang sinasabi noon ng mommy niya—na magkakaroon siya ng magandang buhay pagkatapos niyang mag asawa.

Pero hindi pala.

Naniniwala noon ang mommy niya na nagdadala ng swerte ang mga bulaklak. Nagdadala raw ito ng magandang bukas at kasiyahan sa mga babaeng katulad nila. Kaya naman kahit saang sulok ng kanilang bahay ay mayro’ng mga bulaklak na makikita. Para daw ito sa kanila ng kapatid niya. Para magkaroon sila ng magandang bukas at swerteng kinabukasan at magaya sila rito.

Catherina used to believe that too, not until she married her cold heartless husband.

Ang maganda at masayang buhay may asawa ay malayo sa kanyang inakala, malayo sa mala-fairytale na akala niya ay mararanasan niya.

Siya si Catherina Gunchillez Quinn.

Oo. Siya ang asawa ni Nickolas Quinn, ang may ari ng kumpanyang pinapasukan niya. Asawang hindi kilala ng lahat.

“Ma’am, tumawag po si Sir Nicholas, hindi daw siya makakauwi. Baka kako hindi niya nabanggit sayo kaya sinabi ko na para hindi kayo mapuyat sa paghihintay.” Nagmamalasakit na sabi ng kasambahay sa kanya ng katukin siya. Hindi lingid sa kaalaman ng mga tauhan ito ang trato sa kanya ng kanyang asawa. Naaawa ang iba at nagmamalasakit, katulad nito at ng iba pa.

Napapahiya siyang tumango. ‘Mabuti pa ito ay tinawagan at binilinan. Samantalang siya na asawa ay hindi man lang tinawagan.’

“Binanggit ba ng sir mo kung kailan siya makakauwi?” Nagbabakasakali na tanong niya rito.

Magalang ito na umiling. “Hindi, ma’am.”

“Eh bilin para sa akin? Wala ba?”

“Wala din ho, ma’am. Bakit ho? May nakalimutan bang ibibilin si sir?”

“Uhm, wala. Sige salamat.”

“Walang anuman ho, ma’am!”

Nang makaalis ang kasambahay ay marahan niyang sinara ang pintuan.

‘Umasa ka na naman, Catherina!’ Kastigo niya sa sarili niya bago binaling ang mata sa kumpol ng mga bulaklak na nasa flower vase rito sa kwarto niya.

‘Hindi na naman ito makakauwi… pero wala namang bago roon. Palagi naman ganito.’

Umupo siya sa harapan ng vanity mirror niya at sinuklay ang mahaba, itim at tuwid niyang buhok na hanggang baywang. Habang nakatingin siya sa kanyang repleksyon sa salamin ay kinagat niya ng madiin ang kanyang labi.

‘Wag kang malungkot, Catherina. Uuwi din naman ang asawa mo.’ sinubukan niyang pigilan ang lungkot pero hindi niya mapigilan. Walang araw yata na hindi siya nangungulila dito. Kaya mas gusto niya magtrabaho eh. Nababawasan ang pangungulila.

Magpipitong taon na buhat ng ikasal silang dalawa ni Nickolas. It was like a fairytale to her when she got married to the man she loved. Akala niya ay matutulad siya sa mga prinsesang nababasa at napapanood niya noon. Pero hindi pala. Ang mala-fairytale na kasal at kinabukasang inakala nila ng mommy niya ay napakalayo sa buhay na mayro’n siya sa piling ng asawa niya.

Pagkatapos ng kasal, Nick treated her like a stranger. A total stranger who is just nothing but a wife on paper. Ang masakit, walang nakakaalam na asawa siya nito maliban sa kanilang malapit na kakilala. Sa katunayan ay tanging magulang at kapatid kang nito ang nakakaalam kung sino siya sa buhay nito. Dahil kahit ang mga kaibigan nito ay hindi siya kilala at kung ano siya sa buhay nito.

‘She is just my secretary, or one of my employees’ ito ang palaging pakilala sa kanya ni Nick sa tuwing may nagtatanong dito tungkol sa kanya.

Para dito ay isa lamang siyang tauhan nito at wala ng iba.

Gumuhit ang kirot sa puso niya ng maalala iyon.

Arranged marriage lang ang kasal nilang dalawa. Ang kanilang ama ay nagkasundo na ipakasal sila. Noong una ay hindi siya sang ayon sa gusto ng kanyang ama, ngunit nang makita niya ang binata ay nagbago ang pasya niya. Sa unang pagkikita at pag uusap ay minahal niya agad si Nickolas at pinangarap na maging asawa ito. Ang pangarap niya ay sinantabi niya para maging asawa ng isa sa pinakabatang bilyonaryo at mayaman sa bansa, si Nickolas Quinn, ang CEO ng QID Company.

Quinn Imperial Devices is a prestigious company. It is one of the most renowned companies in the world, known for its high-quality technologies. Itinatag ito ng ninuno ni Nickolas Quinn, at hanggang sa kasalukuyan, walang nakapantay o nakapagpabagsak dito sa kabila ng mga pagtatangka ng iba pang mga kompanya. Quinn’s Company It is not targeted at the average person; its technology is exclusively for wealthy individuals like them.

Usap-usapan noon na malamig at walang pakialam ang asawa niya sa paligid nito, wala itong pinapahalagahan kundi ang pagluluto, na dahilan kaya makailang ulit nitong tinanggihan ang pagpapatakbo ng kumpanya noong nabubuhay pa ang ama at kapatid nito.

Akala niya ay walang katotohanan ang mga iyon dahil malayo iyon sa Nickolas na nakilala niya noon. Akala niya ay gano’n lang kadali ang pag aasawa, ang lahat, ngunit mali na naman siya. Heto siya ngayon, magpipitong taon ng tahimik na lumuluha sa sakit ng dulot ng pambabalewala nito sa kanya. Tama ang mga ito, Nickolas is a cold-hearted man na walang pakialam sa damdamin ng iba.

Pagkatapos maligo at magbihis ay bumaba na siya at nagtungo sa kusina. Sumalubong sa kanya ang mabangong amoy ng pagkaing nakahain sa mesa.

Imbes na makaramdam ng gutom, libo-libong lungkot ang kanyang naramdaman. Walang bago, sa mahaba at malawak na dining hall ay mag isa na naman siyang uupo at kakain.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
25 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status