Malalim na sa gabi ay hindi pa rin dalawin ng antok si Maliah. Sinubukan na niya ang iba-ibang puwesto, pero sadyang mailap ang antok sa kaniya. Itinaklob na niya ang kumot maging ang unan sa kaniyang mukha, nagbabakasakaling makatulog, pero wala pa rin. Mayamaya pa ay impit siyang humiyaw. "Bakit hindi ako makatulog? Ano bang nangyayari sa akin?" yamot niyang tanong sa sarili. Umupo siya, ipinatong ang ulo sa magkadikit na tuhod. Muling dumaan sa balintataw ang sinapit na sa hotel, maging ang kasal na naganap. Pagod na ang isipan niya, pero paulit-ulit na bumabalik ang sitwasyong kinasadlakan. Parang kahapon lang nang mahuli niyang mayroong iba ang kasintahan niya, at si Pamela ang babae nito. Araw-araw siyang pinapahiya nito sa office. At ngayon, heto siya, hina-hunting ng mafia. Pero bakit sobrang laki naman yata ng galit ng mga ito sa kaniya? She took a deep breath, 'tsaka ay tumitig sa kawalan. "Masyado na akong maraming problema. Magbakasyon muna ako, pero kung uuwi ak
Terakhir Diperbarui : 2025-08-26 Baca selengkapnya