KABADONG-KABADO si Maliah habang pumapasok sa gate ang sinasakyan. Isang malawak na harden ang kaniyang nakita. Sa gitna ay may fountain, naliligiran ng bulaklak, may iba't ibang kulay na Vietnam Rose. Inilibot niya ang paningin, sa gilid ng mataas na gate ay nandoon naman ang iba't ibang uri pa ng bulaklak. Dumako ang paningin niya sa bahay na nasa gitna. Hindi ito basta bahay, isa itong palasyo sa paningin niya. Huminto ang sasakyan, inalalayan siya ni Blake hanggang sa pagpasok sa mala-palasyong tahanan. Nang makapasok ay bumuka ang bibig niya sa labis na paghanga. Nalula siya sa sobrang laki. Mataas ang ceiling, may nagkikislapang chandelier na nakasabit doon. May kulay gintong hagdan patungo sa itaas ng bahay. Ang mga painting ay iba't iba ang desinyo. Naagaw ang pansin niya nang maulinig ang nagsasalitang mga tao. Hinila ni Blake ang kamay niya. Isang pinto ang pinasukan nila. Malawak ang silid na 'yon, may malaking tv na nakasabit sa gitna at naliligiran ng sofa, ang sahig a
Magbasa pa