Hindi na mabilang kung ilang beses napahinga ng malalim si Maliah. Tulad ng nakagawian, nakapangalumbaba siya sa pasimano ng bintana. Iniisip ang nangyari sa nagdaang gabi. Ang muntikan na niyang pagkakasangkot sa gulo at ang ginawang pang-aalaska sa kaniya ni Pamela. Ginawa niya ang lahat ng pagtitimpi para lang huwag itong patulan, pero napatid din ang kaniyang pisi. Mariing pikit ang ginawa niya, ngunit sadyang nakaukit na sa isipan niya ang naganap. Ayaw maalis, parang turumpong umiikot sa kaniyang isipan. Nang papauwi na sila ni Monet, nagbalak si Limuel na ihatid sila, pero tumanggi ang kasama niya, isa pa'y kasama nila si Aling Nina. Naghihintay sila sa paglabas ng ginang, nasa gilid sila ng hotel, nang tumabi sa kanila si Pamela. May sinabi ito na ikinainis niya. "Dapat naghanap ka na ng boyfriend, marami ang single sa mga bisita ni Sharlene ah!" "Huwag mo nga akong mabiro-biro, Pamela! Kapag ganitong inaantok na ako, mabubugahan kita ng apoy," singhal niya rito. Bumingisng
Last Updated : 2025-08-21 Read more