Hindi pa man bumababa ng sasakyan si Maliah ay abot-abot na ang kaba. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon ang kaniyang nararamdaman. Sakay sila ng puting van, sasakyan ng pinsan ni Missy, patungo sa hotel na pagdarausan ng event. Ang mga kaibigan niya ay may kaniya-kaniya pinag-uusapan, samantalang siya, heto at nanunuyo ang lalamunan, ang puso ay hindi mapakali. "Maliah, okay ka lang ba?" "Ha?" Nilingon niya si Yna. "Uhm, o-oo. Iniisip ko lang kung kanino galing itong gown na suot ko," dahilan niya.Naalala niyang pinagkaguluhan ng mga kasama niya ang gown, hindi na niya sinabi kung sino ang nagpadala, tiyak na hindi siya titigilan ng mga kaibigan. Kaniya-kaniyang hula ang mga ito."Galing kay Limuel 'yan," hayag ni Donna."No. I think, kay Jac--" "Don't you dare, Carmen!" Mariing putol ni Yna. "Hindi siya ang nagpadala ng gown at kung siya man, much better na huwag mo na lamang suotin 'yan, Maliah," dugtong nito.Lihim na lamang siyang napapatawa habang nagdidiskusyon ang m
Terakhir Diperbarui : 2025-09-01 Baca selengkapnya