JAKE POV"WHAT THE heck did you do?! Mr. Dela Rosa is a Senator ! Ang simple lang ng problema pero pinalala mo, kinailangan ko pang kausapin ng personal si Mr. Dela Rosa para hindi ka niya kasuhan–!!" malakas na bulyaw ni Daddy ng magkaharap sila sa private office nito sa hotel.Umingos siya. "Dad, may CCTV. Kitang kita sa camera na siya ang unang bumangga kay–""Fúck ! This is not about the employee who was hit. He's angry because you beat him up! You didn't even think. You didn't think about the reputation of the hotel," galit na bulyaw ni Daddy.Yeah, aminado na siya na masyadong padalos-dalos ang ginawa niya pagsuntok kay Mr. Dela Rosa. Ngunit, gusto lang niya protektahan ang mga empleyado sa hotel sa mga taong panget ang pag uugali. Hindi dahil kaibigan niya si Rico kun'di para sa lahat iyon."Reputasyon? ng hotel ? Well, I beg to disagree, Dad. Kasi magkaiba tayo ng aspeto pagdating sa negosyo. Ikaw, ang importante lang sayo... lumago at makilala ang hotel. Yeah, it's normal– ka
최신 업데이트 : 2026-01-11 더 보기