JAKE POVNAPANGISI siya ng mabasa ang text ni Erica sa kanya. Pumayag uli ito makipagkita sa kanya sa linggo. Hindi man nito sinagot ng diresto ang tanong niya tungkol sa gusto ba nito maging boyfriend siya, hindi rin naman siya ni-reject. Technically, positive pa rin siya na papayag ang dalaga.Nakarinig siya ng lagaslas ng shower sa banyo. Kumunot ang noo niya, nauna pala nakapag out si Rico sa kanya. Akala niya nag overtime ito.Nagpapalit na siya ng tshirt na suot ng marinig niyang tila kumakanta si Rico sa banyo. Napangisi siya. Mukhang nasa mood ang kaibigan niya ah, may pakanta kanta !Palagay ko, mahal kita, ikaw na nga, walang iba..'Di pa kasi masabi ng puso ang nadarama...Natigilan siya. Ba't parang pamilyar ang boses ni Rico?Marahan siya lumapit sa pinto ng banyo para mas madinig ng klaro ang boses nito. Iba kasi ang boses nito, parang pambabae.Pansinin mo rin kaya? Mahalin mo rin sana...Kasi na nga, palagay ko, mahal kita...He sounds like... Wait – Alam niyang hindi
Terakhir Diperbarui : 2025-12-31 Baca selengkapnya