3rd Person's Point of ViewSa kailaliman ng isang lihim na kulungan na halos hindi naaabot ng liwanag ng araw, tahimik na nakaupo si Kenji. Ang makakapal na pader na yari sa malamig na bakal at semento ay tila nagsisilbing libingan ng pag asa. Ang bawat sulok ng selda ay nababalot ng amoy ng kalawang, dugo, at kahalumigmigan. Tanging ang mahinang sinag ng liwanag na pumapasok sa maliit na bintana sa itaas ang nagbibigay ng katiting na paalala na may mundo pa ring umiiral sa labas ng madilim na lugar na iyon.Halos hindi na makilala ang dating maayos at matikas na binata.Puno ng pasa ang kanyang mukha. May mga sugat na hindi pa tuluyang naghihilom sa kanyang mga braso, likod, at dibdib. Ang bawat galaw niya ay may kasamang kirot na tila unti unting sumisira sa bawat hibla ng kanyang katawan. Ang labi niya ay may bakas pa ng tuyong dugo habang ang kanyang mga mata ay nananatiling matatag sa kabila ng matinding paghihirap.Limang araw na siyang halos hindi nakakain nang maayos.Mas masa
اقرأ المزيد