Dorryn’s Point of ViewNasa garden ako ngayon, sa paborito kong sulok ng buong mansyon. Tahimik. Presko ang hangin. Ang sikat ng araw ay marahang sumasayaw sa ibabaw ng mga talulot, tila ba may sariling musika ang bawat bulaklak na nakatanim dito.Ang garden na ito ay hindi lang basta hardin. Para sa akin, isa itong maliit na paraiso, isang lugar kung saan nakakalimutan ko ang ingay ng mundo, ang bigat ng pangalan ni Nando, at ang responsibilidad na kaakibat ng pagiging asawa niya.Si Nando mismo ang nag-utos na ipatanim ang mga ito para sa akin.Nalaman kasi niya na gusto ko ang mga bulaklak, lalo na ang mga kulay nitong nakakaakit sa mga mata. Mga rosas na parang namumula sa hiya, mga tulips na tila ba marahang yumuyuko sa hangin, at mga liryo na may dalang bango na umaabot hanggang sa kaibuturan ng dibdib ko.Minsan naiisip ko, sa gitna ng lahat ng madilim na bagay sa mundo niya, bakit nagawa niyang gumawa ng ganito kagandang lugar para sa akin?Kinuha ko ang lalagyan ng tubig
Read more