“Din, pinapakaba mo ako,” sabi ko. Sa tono ng boses nito ay parang sobrang lubha ng kalagayan ni lola. Hindi ko tuloy maiwasan na kabahan. “A-ate,” umiyak si Din. “S-si lola kasi… malaki ang sugat niya sa ulo, nabagok siya kaya kritikal siya ngayon.” “A-ano? D-Diyos ko!” Napaiyak ako. Kaya pala gano’n na lang ang pag aalala ni Din rito. Hinawakan ni Eliot ang kamay ko habang ang isang kamay nito ay abala sa pagmamaneho. “Eliot, si lola, kritikal ang lagay niya.” Umiiyak na sumbong ko. “Shhh, don’t worry, makakaligtas siya. Ikaw na ang nagsabi na malakas si lola. I’m sure na lalaban siya.” Sabi ng asawa ko. Pero kahit anong pagpapalakas nito sa loob ko ay nanghihina ako. Alam ko naman na malakas si lola pero hindi ko pa rin maiwasang matakot lalo na’t matanda na ito. Ayokong mawala si lola. Siya ang tumayong ama at ina namin noong nawala ang magulang namin. Siya ang nagtaguyod sa aming magkakapatid. Kahit nahihirapan siya ay hindi kami nakarinig ng reklamo sa kanya o panunumba
Terakhir Diperbarui : 2025-11-17 Baca selengkapnya