Accidentally Yours, Mr. CEO!

Accidentally Yours, Mr. CEO!

last updateLast Updated : 2026-01-01
By:  SEENMOREUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
14 ratings. 14 reviews
260Chapters
26.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Ouch, ang sakit ng ulo ko," daing ko habang hawak ito. Para itong binibiyak sa sobrang sakit. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at umupo. "Teka, nasaan ako?" Ang huli kong natatandaan ay nasa bar ako at nagpapakalasing upang makalimot. Niloko kasi ako ng long time boyfriend ko pagkatapos ng tatlong taon naming relasyon. At para panandalian makalimutan ang sakit ay nagpasya akong magpunta sa bar para aliwin ang sarili ko. Napasinghap ako sa gulat ng mapagtanto ko na wala akong saplot. "Bakit nakahubad ako?!" Bulalas ko habang kipkip ang katawan ko ng kumot. Wala akong suot na bra, kahit panty ay wala, ang nakakabahala ay masakit pa ang gitna ko... palatandaan na may nangyari na hindi dapat. Nanigas ako ng maramdaman na may gumalaw sa tabi ko. "Oh no..." Ayokong lumingon dahil kinakabahan ako. Pero kailangan kong kumirmahin ang hinala ko, kaya dahan-dahan akong lumingon. Umawang ang labi ko sa gulat ng makita ang huling tao na naisip kong makikita ko. S-si Sir Elijah, ang CEO at boss ko! May nangyari sa aming dalawa! Ang unexpected sex naming dalawa ay nauwi sa kontrata ng kasal at sa loob ng isang taon ay pag aari niya ako.

View More

Chapter 1

1. Hot night with my boss

(Ava pov)

"Ouch, ang sakit ng ulo ko," daing ko habang hawak ito. Para itong binibiyak sa sobrang sakit. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at umupo. "Teka, nasaan ako?" Ang huli kong natatandaan ay nasa bar ako at nagpapakalasing upang makalimot. Niloko kasi ako ng long time boyfriend ko pagkatapos ng tatlong taon naming relasyon. At para panandalian makalimutan ang sakit ay nagpasya akong magpunta sa bar para aliwin ang sarili ko.

Napasinghap ako sa gulat ng mapagtanto ko na wala akong saplot.

"Bakit n*******d ako?!" Bulalas ko habang kipkip ang katawan ko ng kumot. Wala akong suot na bra, kahit panty ay wala, ang nakakabahala ay masakit pa ang gitna ko... palatandaan na may nangyari na hindi dapat.

Nanigas ako ng maramdaman na may gumalaw sa tabi ko. "Oh no..." Ayokong lumingon dahil kinakabahan ako. Pero kailangan kong kumirmahin ang hinala ko, kaya dahan-dahan akong lumingon. Umawang ang labi ko sa gulat ng makita ang huling tao na naisip kong makikita ko.

S-si Sir Elijah, ang boss ko! Humawak ako sa ulo ko, pakiramdam ko ay mababaliw ako sa kakaisip kong paano ako napunta dito.

Bigla akong natigilan ng bumalik sa alaala ang dahilan kaya ako pumunta ng bar. Nag-flashback sa isip ko ang nangyari bago ako mawalan ng kontrol dulot ng alak.

"Ava, intindihin mo naman ako. Lalaki ako at may pangangailangan na hindi mo kayang ibigay. Kung pinagbigyan mo sana ako ay hindi ko hahanapin 'yon sa iba" Litanya ng ex-boyfriend kong si Vale pagkatapos kong mahuli na may katalik na iba. Ang masaklap, ang babaeng pinalit nito sa akin ay pinsan ko pa. At para makalimot ay pumunta ako sa bar para uminom at makalimot pero nakita ko ang boss ko.

"S-Sir, ikaw pala. U-umiinom ka pala?! A-akala ko kasi bukod sa kasungitan mo, wala ka ng ibang bisyo—hik." Sumisinok na hinila ko ang bakanteng upuan sa tabi nito. "Paupo ha... oppps! Bawal ang madamot. Sige ka hahalikan kita!" Walang hiya na biro ko sa kanya.

Halatang nagulat naman ito sa asta ko. Hindi ako ganito sa boss ko, tahimik ako na sumusunod sa kanya pagdating sa trabaho. Napaiyak ako, naalala ko kasi ang ginawa ng nobyo ko.

Mas lalo akong nahilo kaya napahawak ako sa ulo ko. Muntik na akong mahulog sa pero mabilis na pumaikot ang matipunong braso ni Sir sa bewang ko.

"Lasing ka na, umuwi ka na ihahatid na kita."

"No thank you, sir... gusto ko pang uminom!" Tanggi ko sa kanya.

Malapad na balikat ni Sir Elijah na bagay na bagay sa matipuno nitong katawan. Parang may sariling buhay ang kamay ko na gumapang sa matigas nitong dibdib. Ang sarap naman nitong himasin. Eh ang tiyan nito sa ilalim ng damit? Kumpleto kaya ang abs? Isip-isip ko habang kagat ang labi ko. Lasing na yata ako kaya kung ano-ano ang naiisip ko.

Tumingin ako sa kilay niya. Makapal 'yon na bagay na bagay sa mata nito na malamig kung tumingin ngunit nakakaakit—na kung tititig ka rito ay tila ka dinadala sa ibang lugar na kayo lang dalawa. Tapos ang ilong nito ay napakatangos na bumagay sa mamula-mula nitong labi. At higit sa lahat, matangkad ito, nasa anim na talampakan o higit pa ang taas. Isang katangian na gusto ko sa mga lalaki.

"You're drunk, Miss Green. Mas mabuti pang umuwi ka na. Wag mo ng piliting uminom kung hindi mo naman kaya."

Ngumuso ako. "Ayoko pang umuwi. Hindi ko pa nagagawa ang misyon ko ngayong gabi." Namumungay ang mata na tanggi ko sa kanya.

"Mission?"

Pilya akong tumango, nilapit ko ang labi ko sa tenga niya at bumulong. "Gusto mong malaman? Kiss mo muna ako." Lasing na sabi ko sabay malanding hagikhik sa dulo.

Nilayo nito ang ulo sa akin kaya nadismaya ako. Inalalayan ako nitong bumaba ng upuan, lasing na daw ako kaya ipapahatid nalang niya ako sa taxi. Hindi man lang ito apektado sa panghaharot ko.

Habang naglalakad kami nahilo ako kaya sumandal ako sa pader. Tinali ko ang buhok ko dahil nainitan ako. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko. Hindi naman mainit kanina pero ng kaming dalawa nalang ang magkasama ay parang uminit bigla. Dahil black dress spaghetti strap na fitted ang suot ko ay humakab ito sa katawan ko, kitang-kita ang hugis ng katawan ko. Malaki ang dibdib ko, maliit ang baywang at mabalakang din ako. Marami ang nagsasabi na mayro'n akong perfect na stats. Kaya nga hindi ko matanggap na niloko lang ako ni Vale.

Tumingala ako habang hawak ang batok ko, pagtingin ko kay Sir Elijah ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin habang marahas na lumulunok. Parang may kung anong pwersa na nagpako ng tingin namin sa isa't isa, walang gustong mag-alis ng tingin sa aming dalawa.

Mukhang naiinitan din siya kagaya ko dahil nakita ko ang pag-alon ng lalamunan niya.

"S-Sir..." anas ko ng lapitan niya ako at hapitin sa bewang ko, muntik na kasi akong mabuwal. Ang lapit ng mukha niya kaya napatitig ako sa kanya. Ang gwapo talaga ni Sir, nakakatulo laway.

"Why are you staring at, Miss Green?" Paos na puna niya sa punong tenga ko. "Wag mo ako bigyan ng ganyang tingin, baka magsisi ka."

Sa halip na matakot sa banta ni Sir na-excite pa ako, kaya tumitig ako sa kanya at prangka na sumagot.

"How about you, Sir? Bakit nakatingin ka na parang susunggaban mo na ako? Ingat ka, baka ikaw ang magsisi sa ating dalawa!" Ganting banta ko na namumungay ang mata. Nang mga sandaling 'yon ang tapang ko. Totoo nga na nakakatapang ang alak. Nagagawa ko kasing makipagpalitan ng titigan sa kanya.

Nag iinit ako at hindi ko mapaliwanag kung bakit.

'Dahil kaya kay Sir?'

Napahigit ako ng hininga ng yumuko siya, ramdam ko ang pagtama ng mainit at mabango niyang hininga sa balat ko, mas lalo akong naliyo at nalasing.

May init na gumapang sa buong katawan ko, ng tingnan ko si Sir ay namumungay din ang mata niya habang nakatitig sa labi ko.

At doon nga nagsimula ang lahat, pagkatapos ng mainit na tinginan sa elevator ay humantong kami sa ibabaw ng kama. Ang virginity na matagal kong pinagdamot kay Vale ay naibigay ko kay Sir Elijah.

Tahimik na pinulot ko ang saplot ko at nagbihis. Pagkatapos magbihis ay paika-ika akong lumabas ng silid at iniwan si Sir na mahimbing na natutulog.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

reviewsMore

Knorr Sinigang
Knorr Sinigang
nice story thanks author.
2025-11-30 01:27:56
1
2
Janine828
Janine828
ito talaga inaabangan ko ngayon.
2025-11-11 17:21:55
1
1
Janine828
Janine828
sana araw araw may update dito
2025-11-11 17:21:35
1
0
Janine828
Janine828
swerte mo elijah, kaya wag mong sasaktan si ava
2025-11-11 17:21:05
1
0
Janine828
Janine828
sobrang ganda. hindi ko akalain na magbabago si elijah at mamahalin ng totoo si ava...
2025-11-11 17:20:34
0
0
260 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status