Santino's P.O.V.NAGISING akong wala si Sabrina sa aking tabi kaya ako'y naalarma at hinanap siya sa buong bahay. Bawat sulok at bawat pinto. Ngunit, wala ang asawa ko. Para akong mawawala sa katinuan lalo na't may banta sa kanyang buhay. Sinubukan ko siyang tawagan at kahit walang sapin ang aking mga paa ay lumabas ako ng bahay at sumakay ng aking sasakyan para hanapin siya. Abot langit ang aking kaba. "Asan ka?" Pagkasagot pa lamang niya ng kanyang telepono ay tinanong ko na siya."Pauwi na ako, may binili lang ako saglit sa malapit," sagot niya sa kalmado at malambing na boses.Sakto namang nagkasalubong ang aming mga sasakyan, agad kong itinigil ito at nagmamadaling bumaba. Bakas man ang pagtataka, bumaba rin siya ng kanyang sasakyan, "Santino, okay ka lang?" Hinagod niya ako ng tingin, hindi ako nakapagsuot ng t-shirt man lang, baliktad na shorts lamang ang saplot ko at nakayapak pa."Thank God, you're safe," mabilis akong naglakad papunta sa kanya para hilain siya sa isang na
Terakhir Diperbarui : 2025-08-17 Baca selengkapnya