Tahimik ang umaga sa Verano mansion. Sa veranda, habang may hawak na tasa ng kape, nakatingin si Leonardo sa malawak na hardin. Banayad ang simoy ng hangin, pero hindi iyon nakatulong para mapawi ang kakaibang kaba at saya sa dibdib niya. Habang tinitingnan niya ang mga bulaklak na unti-unting sumisibol, naisip niya si Ysabel, pitong buwan nang nagdadalang-tao at bawat araw ay tila mas nagiging marupok pero mas maganda pa rin sa paningin niya.Narinig niyang papalapit si Zenaida. Nakapantulog pa ito at halatang bagong gising, pero dala na ang ngiti ng umaga.“Ang aga mo namang nagkakape, iho,” sabi nito, sabay upo sa tapat niya. “May iniisip ka ba? Tungkol ba iyan kay Ysabel?”Ngumiti si Leonardo, tumikhim, at bahagyang yumuko. “Actually, opo, Ma. May gusto sana akong sabihin. May naiisip kasi ako para sa kanya.”Napataas ang kilay ni Zenaida. “Hmm, mukhang seryoso ‘yan ah. Ano ba iyan? Sabihin mo sa akin, baka makatulong ako.”Tumango si Leonardo. “Opo. Alam niyo naman na third trim
Last Updated : 2025-10-07 Read more