Sa isang silid ng Victory Restaurant ay naroon sina Rogelyn, Sean, Cyrell at Vlad.Hindi makapaniwala si Rogelyn sa kanyang mga narinig kanila Cyrell at Vlad, saka ang kanyang nalaman ukol sa plano ni Sean.Sya'y tumingin sa kanang kamay ni Sean at sya'y nag-aalinlangan na ito'y hawakan.“Kung hahawakan ko ang kanyang kamay, ang ibig sabihin nun ay pumapayag ako sa plano ni Sean… Subalit, ayaw kong magpakasal sya kay Cyrell…”Ang pag-aalalang sabi ni Rogelyn sa kanyang sarili.Si Sean ay naghihintay sa reaksyon ni Rogelyn habang naka-abot pa rin ang kanyang kanang kamay.Sina Cyrell at Vlad ay nakatingin lamang sa kanila.Huminga ng malalim si Rogelyn at sya'y nagsalita.“Buntis ako… Sean, sa iyo ang aking dinadala na bata.”Nagulat at nanlaki ang mga mata ni Cyrell sa kanyang nalaman at sya'y nagsalita sa kanyang sarili.“Ayan pala ang dahilan… Kaya hindi lumaban si Ivy sa amin nung binugbog namin sya sa Lux-Vic Company, dahil… Buntis kaming dalawa, at alam iyon ni Ivy…”Hindi makapa
Huling Na-update : 2025-09-25 Magbasa pa